Advertisers
TAMA ba u maling sabihin ni presidential aspirant Bongbong Marcos Jr na walang pakialam ang Pilipinas sa giyera ng Russia at Ukraine? Na ang tanging concern lang ng ating gobyerno ay ang ating nationals na naipit sa bakbakan ng mga Ruso.
“I don’t think there is a need to take a stand. We are not involved except for our nationals,” say ng anak ng diktador na yumaong pangulo Ferdinand Marcos.
Kung tutuusin ay tama naman si BBM. Ano nga ba naman ang pakialam natin sa giyera ng mga Ruso.
Tama ring sabihin ni BBM na ang tanging concerns natin ay ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa Ukraine at Russia.
Pero nakalimutan yata ni BBM na ang Ukraine ay isa sa mga biggest supplier ng krudo sa Asya. Kapag tumagal ang giyera ng dalawang bansa ay malamang na magtataasan ang produktong petrolyo sa world market. Magkakaroon ito ng domino effect sa mga bilihin. Oo! siguradong magtataasan na naman ang presyo ng mga bilihin. Patay na naman tayong mga maralitang Pinoy na hindi pa nakakabangon mula sa dalawang taon na pandemya ng coronavirus. Ito ang dapat nating paghandaan. Mismo!
Pero ano nga ba ang magagawa ng Pilipinas sa gulong ito ng dalawang makapangyarihang bansa? Wala! Makikibalita lang tayo at manonood sa mga nangyayaring bombahan nila. Yun lang!
Kahit naman ang Estados Unidos at Europe ay hindi basta makapanghimasok sa giyerang ito ng Russia at Ukraine or else lalong lalawak ang digmaan, magkakaroon ng kampihan ang communist countries at posibleng mangyari ang kinatatakutang World War 3.
Kaya tingin ko ay tama rin si BBM sa kanyang tinuran hinggil sa Russia-Ukraine war. Wala siyang pakialam! Hehehe…
Say nyo, repapips?
***
Hindi pa alam ni BBM kung sasali siya sa presidential debate na inorganisa ng Commission on Election (Comelec).
Gusto munang malaman ni BBM kung ano ang pormat ng debate. Kung ano-ano ang mga itatanong ng panelist. Siguro para mapaghandaan niya ang mga isasagot. Hehehe…
Sa mga nakalipas na presidential debates na inorganisa ng iba’t ibang media organizations, isa palang ang sinipot ni BBM, ang sa media network ng kanyang kaibigang si Pastor Apolo Quiboloy na wanted sa FBI sa mga kasong sexual abuse at human trafficking sa Amerika.
Inisnab ni Quiboloy ang presidential debate na inorganisa ng GMA 7 hosted by multi awarded broadcast journalist Jessica Sojo, at ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP).
Sa debate sa media network ni Quiboloy, hindi rin dumalo sina presidential aspirants Robredo, Ping Lacson, Manny Paqcuiao at Isko Moreno. Feeling kasi nila ay ipahihiya lang sila ng mga panelist ng network. Araguy!!!
Pero kung ako ang tatanungin, sasamantalahin ko ang mga presidential debate na inoorganisa ng iba’t ibang media networks para mailahad ko ng libre sa publiko ang aking mga plano sa bansa kapag ako’y nahalal.
Oo! Gaano man kabigat ng mga tanong ng panelist ay masasagot mo basta ikaw ay handa sa iyong pagkandidato at kung talagang may programa ka para sa ikauunlad ng bansa at ng sambayanang Pinoy. Mismo!