Advertisers

Advertisers

Sunog sumiklab sa Baseco, Manila

0 564

Advertisers

Agarang nagpahatid ng pakikiramay ang buong Team Alex sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Baseco compound Port area, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Sa report, naganap ang sunog alas-8:35 ng umaga sa Amadome Block 5 sa Baseco Compound, Manila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), gawa sa mga light materials ang mga bahay na nilamon ng malaking apoy sa nasabing compound.



Makalipas ang 15 minuto agad na tinaas sa ikalawang alarma ang naturang sunog.

At alas-10:57 naman ng umaga ng ideklarang fireout ang sunog dahil na rin sa pagtulong-tulong ng BFP-NCR, Manila Fire Department at Fire Volunteer kaya’t tuluyan itong maapula.

Kanya-kanya namang hakot ng kagamit ang mga residente para maisalba sa naglalagablab na apoy.

Sa ngayon, inaalam na ng mga ototidad ang pinagmulan o sanhi ng sunog maging ang halaga ng pinsala nito gayundin kung ilang bahay ang natupok.

Ayon kay Atty. Alex Lopez na lubhang nakakalungkot ang pangyayaring ito.



Ipinahatid ni Lopez, sa mga nasunugan na huwag mawalan ng pag-asa dahil muli naman silang makakabango sa mga darating na araw.

Ipinaabot ni Atty. Lopez na makaaasah ang lahat ng mga naapektuhan ng sunog na gagawa ng para sa abot ng kanilang makakaya upang makatulong ang Team Alex upang malagpasan ang naganap na panibagong pagsubok.