Advertisers
SAKTO ang swak na hataw at korek na galaw ng mga atletang kababaihan ngayong Marso na International Women’s Month.
Pormal na nagdeklara ang mga sikat na mga volleyball at chess player.para sa nag-iisang babeng presidential aspirant na si Leni Robredo.
Sa pangunguna ni Alyssa Valdez ay naghayag na mga miyembro ng national team na mga kakampink sila.
“Iboboto ko si Leni dahil sa lider na tapat, maaasahan ang serbisyong nararapat sa bawa’t Pilipino,” eka ng bida noon sa koponan ng UST High School at Ateneo University.
Kamakailan lang ay napanood natin siya sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN kung saan isa siya sa finalist.
Bukod sa bida ng Creamline Cool Smashers ay maka-Leni rin sina Jia Morado-De Guzman, Denden Lazaro-Revilla, Jem Ferrer at Ish Polvorosa. Nauna na nating naiulat dito si Ponggay Gaston na anak ng ex-PBA cager na si Fritz Gaston.
“Leni Robredo dahil sa gobyernong tapat uunahin ang serbisyo sa Pilipino,” wika ni Jia Morado.
“”Gusto ko si Leni Robredo dahil naniniwalang akong siya ang tunay na lalaban para sa akin, sa pamilya ko at sa ating mga Pilipino.”sabi ni Denden Lazaro.
Ire naman si International Chess Master na si Catherine Perena-Secopito ay nagsalita na rin. Ganda ng tinuran niya sa kanyang Facebook account.
“October 2021 when a fellow chess player messaged me and asked sino daw manok ko sa national elections. They have a group daw na pro-Leni and if pareho daw kami ng choice ay kung pwede ako mag-join sa kanila. I respectfully declined and said na undecided pa ako whom to vote.”
For months I’ve been a silent reader, observer and reaseracher. Noon feeling ko ang obligasyon ko lang ang bumoto.
Sa panahon ngayon kailangan kilatisin ang kandidato, maging alisto sa totoo at huwag magpaloko, higit sa lahat tumindig sa prinsipyo at IBOTO SI LENI rROBREDO.”
Today (March 1) I joined the group and made the right move.”
Tunay na mahusay hindi lang pambato ng bansa sa ahedres kundi responsableng mamamayan.
Galing-galing nilang lahat. Sa susunod na mga araw marami pang madadagdag sa kanilang mga hanay.
***
Samanatala dalawang volleybelle ang nakumpirma nating hihingi ng boto ngayong Mayo.
Sa tuwing Sabado ng umagang podcast na Boomers’ Banquet ay napag-usapan natin nina co-host Bob Novales at panauhing Tony Boy Liao ang kandidatura nina Michelle Gumabao at Charo Soriano.
Si Michelle ay nominee ng partylist na Mocha o Mothers for Change habang si Charo ay susubukang maging konsehal ng siyudad ng Tuguegarao, Cagayan.
Kapwa sila anak ng mga pulitiko. Si Charo ay daughter ng alkalde ng kanilang siyudad na si Jefferson. Si Michelle naman ay kay Dennis Roldan, ang artista na naging kongresista ng Lungsod Quezon. Bisita rin sa episode si Ivy Remulla na kamag-anak ni Gov. Jonvic Remulla.