Advertisers

Advertisers

Rhian 4 years pa bago mag-asawa; Regine in, Karla out, sa ‘Magandang Buhay’

0 249

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

BULUNG-bulungan sa apat na sulok ng showbizworld na tila malaki raw ang inihatag kay Karla Estrada ng isang partylist para maging third nominee.
Kaya okey lang sa alright kung manalo or matalo ang nasabing partylist.
Mas pinili ni Karla ang tumakbo at talikuran ang karera as host ng Magandang Buhay.
Dagdag pa ang pagsuporta nito sa kandidatong kanyang pinaniniwalaan na makakapag-ahon sa kahirapan ang bansa.
Kaya humalili muna si Regine Velasquez-Alcasid sa puwesto ni Karla as host ng morning show kasama sina Mela Cantiveros at Jolina Magdangal.
Nakita na good chemistry rin ang trio nina Regine, Jolina at Melai.
Kaya tanong naman ng netizens, paano kung di mag-win ang partylist na sinalihan ni Karla?
May babalikan pa kaya siya at what if kung nagustuhan na si Regine ng mga sponsors.
Take note na hataw noon sa rating ang previous show nito sa Kapuso na pang morning din ang Sarap Diva na weekly nawa- watch.
At paano raw kung nag-eenjoy na si Regine sa pagho-host ng Magandang Buhay paano na si Karla? Hmmmp!
***
NASA edad 31 na ngayon si Rhian Ramos at sa edad na niyang ‘yun eh never pa raw sumagi sa utak niya ang pag-aasawa.
Marami pa raw gustong gawin si Rhian sa kanyang huhay at career.
Mayroon pa rin kasi siyang gustong ma-achieve.
Kaya naman ‘di niya naging priority na lumagay sa tahimik.
Nasa tamamg edad na nga raw si Rhian at ubra na mag-asawa. Pero buo ang desisyon ni Rhian na huwag muna at ayaw pa nitong mag-asawa.
Dedma rin siya sa pagka-link kay Sam Versoza ng Frontrow.
Apat na taon pa raw bago siya mag-asawa at gusto muna nitong matupad ang iba pang pangarap. Sa ngayon ay pokus muna si Rhian sa kanyang career.
Well, well, well…’Yun na!