Nora at Vilma tampok sa bagong selyo ng Post Office; Debut ni Francine inisnab nina Andrea, Kyle at Seth
Advertisers
Ni BETH GELENA
MASAYANG-masaya ang young actress na si Francine Diaz sa kanyang 18th birthday celebration na ginanap last February 26.
Ang actual birthday ng young actress ay January 27.
One-month celebration ang debut ni Francine kaya super happy daw siya dahil hindi niya akalaing mangyayari ito sa kanyang buhay.
Never daw niyang naisip na magiging reality ang dati ay nasa isip lang niya kapag siya’y tumuntong na sa edad disi-otso.
Kaya lang masaya nga ba talaga ang young actress gayung wala sa mga dumalo ang tatlong personalidad na naging bahagi ng kanyang pagiging sikat.
Bumuo ang Kapamilya ng isang grupo, ang Gold Squad na kinabibilangan ng apat as loveteam, Francine-Kyle Echarri at Andrea Brillantes- Seth Fedelin.
At nakilala nga ang apat na young stars bilang Gold Squad.
Kaya may mga nagtatanong, “Bakit wala ang 3 miyembro ng Gold Squad na sina Andrea, Kyle at Seth sa debut party ni Francine?”
Ang sabi naman ng mga Marites, “hindi kaya pinagkaisahan talaga nila si Francine?”
Ayon kay Ogie Diaz sa Showbiz Update YouTube Channel nila ni Mama Loi, invited naman daw talaga ang tatlong Kapamilya stars pero nagkaproblema raw sa kani-kanilang schedule.
Nagsu-shoot daw sa Baguio ang tatlong young stars para sa isang project na hindi kasama si Francine, ang Lyric and Beat.
Samantan, si Francine naman daw ay may sariling project na hindi kasama ang tatlo, ang Bola-Bola.
May pagkaintriga naman ang follow-up question ni Mama Loi, bakit daw hindi ka-join si Francine sa Lyric and Beat?
Sey naman ng beteranong kolumnista at talent manager, schedule raw talaga ang problema.
Yun din daw ang dahilan kung bakit hindi na si Kyle ang partner ng birthday celebrator sa Bola-Bola.
“Nagkasabay din daw ang Lyric and Beat saka yung Bola bola na isa ring series.”
***
SINA Nora Aunor, Vilma Santos, Gloria Romero, Susan Rices Rosa Rosal, ang nga artistang tampok sa mga bagong selyo ng Philippine Post Office
Tinagurian silang “Living Legends – Outstanding Filipinos: Series I” na inilabas ng Post Office bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo mula nang ilabas ang pinakaunang selyo ng Republika ng Pilipinas.
Inilunsad ng Philippine Post Office ang Ten Outstanding Filipinos Commemorative (kabilang ang mga artistang nabanghit) Stamps na kumikilala sa tunay na pinakamahalagang yaman ng bansa—ang mamamayang Pilipino.
Ginanap ang seremonya sa Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio last February 26.
Binigyang pugay ng Post Office ang limang reyna ng pelikulang Pilipino, dalawang atleta, dalawang scientists na kinikilala sa buong mundo, at isang matagumpay na pintor.
May temang “Salamat: Pagpupugay sa mga Alamat,” ang Ten Outstanding Filipinos ay sina Olivia “Bong” Coo (bowling) at Ramon Fernandez (basketball); ang mga beteranang aktres na una ng nabanggit, ang painter na si Romulo Galicano; at mga scientists na sina Dr. Baldomero Olivera at Dr. Ernesto O. Domingo.
Ayon kay Postmaster General Norman N. Fulgencio, “The Ten (10) Outstanding Filipinos honored by the Post Office have dedicated their lives and talents to the Filipino people.