Advertisers

Advertisers

Walang tokhang sa war on drugs ng gobyernong Moreno

0 403

Advertisers

KUNG siya lang ang masusunod, iuutos ni Aksyon Demokratiko standard bearer Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na mauwi na sa bansa ang mahigit sa 150,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan.

“Nag-aalala ako, kasi pag nagkaroon ng insidente o crisis sa Taiwan Strait, maaapektuhan yung mga kababayan nating OFWs,” sabi ni Yorme Isko sa media sa pagbisita niya kamakailan sa mga probinsya ng Bataan, Quirino, Isabela, Cagayan at Kalinga.

Nangangamba si Yorme Isko sa balita na nagbabalak ang Mainland China na bawiin ang Taiwan na humiwalay noong 1949 kasunod ng tagumpay ng rebolusyon ng Communist Party sa pamumuno ni Chairman Mao Tse-Tung.



May krisis man o wala, sinabi ni Yorme Isko na kailangang may plano na para sa posibleng evacuation para mailigtas ang mga Pilipino sa Taiwan.

Kumalat ang balitang pagsakop ng China bunga ng nangyayaring pagsakop ng Russia sa Ukraine na humiwalay sa Soviet Union noong Agosto 1991.

Naghahanda ngayon ang Taiwan dahil sa krisis sa Ukraine at Russia ay lusubin at sakupin din sila ng China.

“…we will pray, sana nga walang mangyaring untoward incident (sa Taiwan), but lahat naman tayo nagulat about what happened to Ukraine and Russia,” sabi ni Isko.

Mas mabuting isakay na sa barko ang pauuwiing Pilipino sabi ni Yorme Isko dahil ilang daang kilometro lang ang layo ng Taiwan mula sa isla ng Batanes sa Pilipinas.



Ayon kay Yorme Isko, problema ang pagpapauwi sa natitirang 180 Pilipino sa Ukraine, paano pa kung 150,000 na OFW in Taiwan?

“Yan,… kung paano ko sila iuuwing buhay at ligtas. Pagdating dito, papaano sila makakapagtrabaho. Marami tayong haharaping problema,” sabi ni Yorme.

Dagdag niya, ngayong eleksyon kailangan na pumili ng isang lider na laging sigurado sa gagawin sa panahon ng krisis at problema tulad ng pandemya.

“My point is daig ng maagap ang masipag. So inaagapan ko na yung damdamin ninyo… na tingnan natin nang masusi sino yung mga tipo ng lider na maaasahan. Obligasyon ko na i-share ‘yung agam-agam ko, baka mamali. Baka pagdating ng araw, baka magsisi pa ako, kukuya-kuyakoy na ako, bakit hindi ko pa pinaalala sa tao,” sabi ni Yorme Isko.

***

Isasarado ko ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) dahil hindi ito ligtas na gamitin para makuhanan ng lakas-elektrisidad.

Ito ang sinabi ni Yorme Isko sa pagbisita niya kamakailan sa Bataan matapos ang pagbigay-galang kay Bishop Ruperto Cruz ng Diocese ng Balanga City.

Taong 1976 nang itayo ang BNPP na ginastusan ng $2.2 bilyon pero hindi ginamit ni dating Presidente Corazon Aquino sa takot na maulit ang nangyaring Chernobyl nuclear fallout sa Russia noong 1986.

Kung siya ang pangulo, sinabi ni Yorme Isko na mas gusto niyang gamitin ang renewable, gas, o coal at iba pang teknolohiya na mas murang mapagkukuhanan ng koryente.

Ani Isko, kokopyahin niya ang teknolohiya sa Netherlands na gumagamit ng renewable energy.

Pinagkukunan ng enerhiya sa Netherlands ay ang hangin, sikat at init ng araw at biomass.

Noong 2018, nagawa sa bansang ito na makakuha ng 10.5 terawatts hours na lakas ng koryente mula sa hangin at gumagamit din ng photovoltaic power na may 5.3 terawatt-hours noong 2019.

Sa gobyernong Moreno ang nais ni Yorne Isko ay paramihin ang power plants na gagamit ng renewable energy na magbibigay ng malakas na suplay ng koryente upang makaakit ng malalaking investment mula sa ibang bansa.

***

Mangyayari lamang na kakatok sa pinto at papasok sa loob ng bahay ng mga suspek ang mga alagad ng batas kung may dalang search o arrest warrant.

Ito ang sinigurado ni Yorme Isko sa panayam sa kanya ng media while on leg tour sa Northern Luzon kamakailan.

“Tulad ng sinabi ko, tuloy ang war on drugs, tapos kikilanin natin yung mga batas na umiiral at yun ang ipatutupad natin,” sabi ni Yorme Isko.

Aniya, matitigil ang Oplan Tokhang kung siya ang mananalong pangulo sa Mayo 2022 na taktikang ginamit ni Peesidente Rodrigo Duterte para mahanap at madakip ang mga tulak at adik sa bawal na gamot.

Tumutukoy ang tokhang sa “pagkatok” sa pinto ng bahay at pagkukumbinsi sa suspek na isuko ang sarili sa awtoridad.

Umani ng matinding pagkondena ang taktikang ito na nagresulta sa pagdakip at pagpatay sa karaniwan at pipitsuging suspek.

“Basta tayo, we’ll go after the source. Hindi natin ito-tolerate ang illegal drugs,” sabi ni Yorme Isko.

Totoo, sabi ni Isko, nawala ang manufacturing sa bansa dahil sa matinding drug war ni Duterte.

Sa kabila nito, may mga pumapasok pa rin sa bansa na mga ilegal na droga na dumadaan sa mga pantalan at dalampasigan.

Pababantayan niyang mabuti, sabi ni Yorme Isko ang mahigit sa 7,000 isla sa bansa.

Most likely dito siya pumapasok. So kailangan nating bantayan, kailangang higpitan,” sabi ni Yorme Isko.

Isang magaling na opisyal ng Philippine Navy o ng Philippine Coast Guard ang pipiliin niyang Defense Secretary kung siya ang pangulo, sabi pa ng 47-anyos na alkalde ng Maynila.

Inulit ni Yorme Isko na ayaw niya sa extra-judicial killings (EJKs), ang lahat ng pagdakip at pag-uusig sa mga suspek ay idadaan sa patas na batas.

Kung nasa peligro ang buhay ng awtoridad laban sa ilegal na droga, iyon lamang ang tanging dahilan na posibleng may mangyaring may mapatay na suspek sa war on drugs ni Isko.

“Mata ng batas, patas na batas ang iiral sa gobyerno, kung ako ang pangulo,” sabi ni Yorme Isko.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.