Advertisers

Advertisers

Bela pumalpak sa unang araw ng pagdidirek ng movie; Kyline nawala ang pagiging selosa dahil kay Mavy

0 467

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI nga maka paniwala hanggang sa ngayon ang aktres na si Bela Padilla na ang isa sa wish niyang gawin sa kanyang showbiz career ay maging isang direktora. Ito ay binigay sa kanya ng Viva Films sa pamamagitan ng pelikulang “366” na streaming na this coming April 22 sa Vivamax, na bukod si Bela ang direktor ay siya na rin ang gumanap bilang leading lady nina Zanjoe Marudo at JC Santos.
Aminado si Bela na sa sobrang tense at excited niya sa pagdidirehe ng movie ay sumablay ang kanyang byuti sa first day shooting nila.
“Sa sobrang kaba ko siguro or talagang naninibago ako, nakalimutan kong sumigaw ng ‘Sound’ and ‘Camera.’ I went straight to action na hindi nag roll ang sound and camera. Kung artista ka, ang hinihintay mo lang palagi ‘yung action, hindi mo na hinihintay ang ‘Sound’ at ‘Camera.’ Dapat in the zone ka na. But as a director, kailangan mo siyang isigaw. I had that moment.
I quickly realized, Oo nga pala. Hindi lang ako actress on the set today. We had to repeat that take and I had to say ‘Sound’ and ‘Camera.’ Nagtawanan sila. I felt super rattled. Tumawa lang din ako, pero hindi nila alam kabadong kabado ako,” pahayag ni Bela.
Bukod sa pagiging sablay sa unang araw, anong klaseng direktora kaya si Bela, istrikta o yung tipong naninigaw?
“Ayoko ng may naninigaw sa set at ayoko ng may naba-bad-trip. Sabi ko sa kanila, dahil naka-bubble kami dahil pandemic, siyempre kami-kami lang din ’yong magkakasama ng ilang linggo. So, mahirap kung isa sa amin malungkot or masama ’yong loob. So, kung meron mang bad trip, papayagan kong lumabas sila ng set ng five minutes tapos balik ulit,” dagdag na say pa ni Bela.
***
OUT In the open na ang tunay na relasyon nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Sweetness overload nga pag magkasama ang dalawa. Kaya marami tuloy ang nagsasabing mahirap nang paghiwalayin pa ang magsing-irog dahil sa kitang-kita na love talaga ang isa’t isa.
Pero hindi maiiwasan na hindi sila magsama ng ilang araw lalo na pag may kanya-kanya na silang trabaho o taping. Kakayanin kaya nilang dalawa ang mabuo ang isang araw na walang video call o chat?
Ayon kay Kyline, si Mavy daw ay isang oras lang na malayo sila ay agad-agad na itong magcha-chat o tatawag, samantalang say naman ni Kyline kahit isang linggong wala silang kontak ni Mavy ay keri na niya ito.
“Ako, kahit hindi s’ya mag-text for a week okey lang sa akin. Kasi I trust him,” say ni Kyline.
Aminado rin ang young actress na binago ng relasyon nila ni Mavy, ang pagiging sobrang selosa niya dati.
“I learned my lesson na hindi naman po kailangan na magselos. Na-gain na naman n’ya ’yong trust ko. And then, may sarili s’yang buhay, may sarili din akong buhay,” dagdag pang say ni Kyline.