Advertisers

Advertisers

Thea ‘pandemic love affair’ bagong dyowa

0 422

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

HINDI na loveless si Thea Tolentino! Ayaw i-reveal ni Thea ang pangalan ng non-showbiz boyfriend of four months niya dahil pribadong tao ito. Sa tanong namin kung businessman, estudyante o politician ang boyfriend niya…
“Ngayon work-from-home po muna siya,” at tumawa si Thea.
Karamihan sa mga netizens ngayon ay sa bahay muna nagtatrabaho dahil sa nausong new normal na work-from-home dahil sa pandemya.
Ang kapwa niya Kapuso na si Juancho Trivino ang nagpakiala kina Thea at sa kasalukuyan niyang kasintahan; college friend ni Juancho ang lalaki.
Taga-Laguna rin ang boyfriend ni Thea, tulad nila ni Juancho at 2014 pa lamang daw ay kakilala na ni Thea ang guy.
Nagsimula sila bilang magkaibigan.
“Na hindi masyadong nag-uusap, kaya para sa aming dalawa, shocking,” at tumawa si Thea.
Maituturing na pandemic love affair ang umusbong sa pagitan nilang dalawa, pero nagkikita naman daw sila regularly.
“Like normal, kasi ako taga-Calamba tapos siya taga-Laguna rin”
Pinapraktis daw nila ang health and safety protocols tuwing nagkikita sila na isa pa rin sa mga nauso gayong pandemya na dulot ng COVID-19.
Sa tingin daw ni Thea ay ang guy na ang “the one” para sa kanya.
“Hindi po imposible yun,” reaksyon ni Thea nang sabihin namin na four months pa lamang ang kanilang relasyon. “Depende po talaga kapag nahanap mo na talaga yung the one.”
Twenty-five years old si Thea at twenty-eight naman ang boyfriend niya.
Samantala, nag-audition si Thea para sa role niya bilang si Jinky sa Take Me To Banaue.
“Binigyan po kami ng isang scene, isa sa mga highlights nung movie, tapos iyong shinoot ko, tapos ipinadala ko, tapos nag-Zoom meeting kami nina direk and yun nga, sinabi na nakuha ako to play the role of Jinky.
“I’m really happy, feeling ko talaga I was chosen for this role kasi I have enough tools, naipakita ko yun sa audition ko, talagang nakatulong sa akin.”
Nagpapasalamat si Thea sa mga workshops niya sa GMA sa ilalim nina Anna Feleo at Anthony Bova.
“Kapag hirap na hirap ako, tatawag ako kay ate Anna, dun ako na-inspire para mas ibigay lahat sa audition ko.”
“Talagang sobrang nakatulong sila sa akin.”
At timing din na katatapos lamang ni Thea ng lock in taping niya para sa upcoming GMA series na Lolong kaya puwede siyang mag-shoot para sa Take Me To Banaue.
Ang Fil-Am movie na Take Me To Banaue ay mula sa Carpe Diem Pictures, isang independent movie production na based sa US.
Tampok din sa Take Me To Banaue sina Maureen Wroblewitz (bilang Grace), ang American actors na sina Brandon Melo (bilang Hank) at Dylan Rogers (bilang Jordan), at sina Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa (bilang Paloma) at ang Kapuso comedian-TV host na si Boobay (bilang Rocky).
Ang director/producer ng pelikula ay si Danny Aguilar, isang Filipino-American na naka-base sa Dallas, Texas sa USA; ito ang kanyang directorial debut.
Katuwang niyang isinulat ang screenplay ng Take Me To Banaue si Jason Rogers.
Line-produced ni Monch Bravante, ang setting ng kabuuan ng pelikula ay sa Baguio City at sa Banaue, Ifugao.