Advertisers

Advertisers

PTEC napandemya ng DOTr?

0 1,647

Advertisers

PALUSAW na ang COVID-19 PANDEMIC at magluluwag na ang galaw sa larangan ng pagnenegosyo, subalit ang ilan sa PRIVATE EMMISSION TESTING CENTERS (PETCs) ay hindi pa rin makababangon dahil tuluyan na yatang papandemyahin ang mga ito ng pangasiwaan ng DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTr).

May 160 OPERATORS ang PETCs sa buong bansa, subalit 50 na lamang sa mga ito ang pinayagang makapag-renew ng kanilang PERMIT TO OPERATE at ang 110 OPERATORS ay halos hindi na malaman kung kanino magpapatulong para mapayagan na muli silang makapag-operate.

Kamakalawa ng umaga, ang mga PETC OPERATOR sa pangunguna ni ALAGAAN NATIN INANG KALIKASAN INC (ANI KALIKASAN) PRESIDENT JUN MENDOZA ay nagtungo sa DOTr para sa pagbibigay ng formal letter hinggil aa kanilang karaingan at pagbabakasakaling makaharap nila si DOTr SECRETARY ARTHUR TUGADE.., subalit bigo ang mga PETC OPERATOR dahil wala raw si TUGADE noong araw na iyon.



Inihayag ni MENDOZA sa mga MEDIA na ang rason sa hindi pagkaka-renew sa kanilang OPERATION ay dahil sobrang dami na umano ang mga PETC.., teka, mukhang may kaanumalyahan ata sa sistema na pinayagang umabot sa 160 ang pinayagang makapag-operate at nitong nakaraang October 2021 ay basta na lamang hindi na nirenew pa ang operation ng 110 PETCs?

Banggit naman ng ilang PETC OPERATORS na kakompetensiya na rin nila ang PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTER (PMVIC) dahil ang function ng PETCs ay ginagawa na rin ng PMVIC na ang function lamang dapat nito ay ang ROADWORTHINESS INSPECTION.

Natatandaan ko, noong February 11, 2021 ay naglabas ng kautusan si PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na ang PMVIC ay hindi na mandatory kundi optional na lamang.., subalit, hindi man mandatory ay nagkapareho naman na ang function ng PETCs at ng PMVICs.

Ang PMVIC ay naging kontrobersiyal nitong nagdaang taon dahil may mga bagong bili na sasakyan ay bagsak sa kanilang inspection? Gayong ang anumang mga produkto lalo na ang mga sasakyan na bago ilabas sa merkado ay sinisiyasat ng DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI).., ibig sabihin, kapag inilabas na sa merkado ay pumasa na ang sasakyan sa masusing pagrerekisa ng DTI.., pero bakit bagsak sa inspection ng PMVIC?

Ang naging raket kasi ng PMVIC ay ang paniningil ng P1,500 hanggang P1,800 para sa 4- wheel vehicles at retesting fees na P750. Singil na P600 at P300 retesting fee naman sa motorsiklo. Sa jeepneys naman ay P300 at P150 retesting fee.., na halos lahat ng tinest ng PMVIC ay puro bagsak kaya kelangan ang retesting.., presto, singil na naman.



Bunsod nito ay dumagsa ang reklamo ng mga motorista dahil sa taas ng mga bayarin na ultimong brand new car kapag tinesting ay may lalabas na diperensiya.., kaya naman binakbakan at pinatigil ni SENATOR GRACE POE ang sistemang ipinairal ng DOTr at ng LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO).

Ang kaso, hindi sinunod ng DOTr ang pagpapatigil sa PMVIC OPERATIONS at sa halip ay naglabas ng DEPARTMENT ORDER na maaari pa ring mag-operate ang PMVIC sa kundisyong OPTIONAL.., e manggagalaite rin naman ang mga PMVIC OPERATOR, kasi nagsimula ang kanilang operasyon nitong nagdaang taon dahil nalagdaan ng LTO at ng DOTr ang OPERATIONALIZATION ng PMVIC noong December 29, 2020.

Ang siste pa, umiral ang sistemang “PADULAS”.., upang maging PMVIC OPERATORS ay kailangang magpakawala ng P5 milyon pataas para mabigyan ng permit to operate, then patitigilin ang kanilang operasyon na mahigit isang taon pa lang silang nag-ooperate e manggagalaite nga naman ang mga OPERATOR.., na mas lalong mag-aalburuto ang mga PTEC OPERATOR na hinde narenew ang kanilang PERMIT TO OPERATE.., kasi, ang kanilang function na EMMISSION TESTING ay ginagawa na rin ng PMVIC at idadahilan ngayon ng DOTr na kailangang magbawas ng PTECs.

PAGING SEC. TUGADE.., mukhang mahirap paniwalaan kung sasabihin mong hindi mo alam ang pinaggagawa ng iyong mga tauhan at kung paninindigan mong hindi mo nga alam ang raket ng iyong mga tauhan e hindi mo mapapaniwala ang publiko.., bakit hinayaan ninyong ang PMVICs ay magsagawa ng EMMISSION TESTING (trabaho ng PTECs) gayong ang mandato ng PMVIC ay ang pagsasagawa lamang dapat ng ROADWORTHINESS INSPECTION?

Kailangan pong harapin at tugunan ninyo ang hinaing ng mga hindi narenew na PETCs PERMIT TO OPERATE dahil mahigit 2-taon nang naghihirap ang pamipamilya ng kanilang mga empleyado sa epekto ng COVID-19 PANDEMIC ay tuluyan pa ngayong mawawalan ng trabaho kung hindi na makakapag-operate ang mga ito gayong protektado ang kanilang setor ng RA 4136 o ang LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC CODE na naisabatas noong June 20, 1964!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.