Advertisers

Advertisers

Marcos OPSF vs. mataas na presyo ng gas, hinihinging ibalik

0 311

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Pagpasok ni Jesus sa bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag. Tinanong sila ni Jesus, `Naniniwala ba kayo na mapapagaling ko kayo?’…” (Mateo 9:28, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

REMEDYO NG DATING PANGULONG MARCOS LABAN SA MATAAS NA PRESYO NG GASOLINA, IPINANAWAGANG IBALIK SA KAMARA: Sa harap ng napipintong malakihang pagtaas sa presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo sa bansa ngayong linggong ito, dumarami na naman ang mga Pilipinong nananawagan na muling ibalik ng gobyerno ang OPSF, o Price Stabilization Fund.



Ang OPSF ay isang mabisang remedyong ginawa ng dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1980s kontra sa mataas na presyo ng gasolina. Ayon sa mga naglalabasang ulat sa mainstream at social media noong umaga ng Lunes, Marso 07, 2022, inaasahan ang pagtaas ng preso ng gasolina ng P3.00 bawat litro, at presyo ng diesel ng P5.85 kada litro.

Sa pangkalahatang tala ng Department of Energy mula noong Enero 2022, ang mga inaasahang pagtaas na ito ngayong linggong ito ay magbibigay ng kabuuang pagtaas ng presyo kada litro ng gasolina ng P9.65, at sa presyo kada litro ng diesel, ng P11.65. Sa petrolyo naman, ang inaasahang kabuuang pagtaas ng presyo kada litro ay P10.00 mula din noong Enero 2022.

Ayon kay Department of Energy Undersecretary Gerardo Erguiza, Jr. sa kaniyang pagharap sa Kamara De Representantes, hindi pansariling problema ito ng Pilipinas, kundi ng buong daigdig.

***

PRESYO NG GASOLINA AT IBA PANG PRODUKTONG PETROLYO, INAASAHANG TATAAS NG NAPAKATAAS NGAYONG LINGGONG ITO SA PILIPINAS: Pangunahing nakikitang dahilan ng mga pagtaas ng presyong ito, ayon kay Erguiza, ang muling pagbubukas ng mga negosyo sa buong mundo bunga ng pagluluwag ng mga pagbabawal sa Covid 19 pandemic.



Ganundin, malaking dahilan ng pagtaas ng mga presyo ng gasolina at mga produktong petroloyo sa ngayon ay ang nangyayaring gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Bunga ng problemang dulot ng Russia-Ukraine conflict, nahihirapan ang pagdaloy ng mga produktong petrolyo mula sa mga bansang pinanggagalingan ng mga ito. Tumitigil din ang produksiyon ng langis na pinanggagalingan ng gasolina ng mga oil-producing nations, dahilan upang magtaasan ng sobra ang presyo ng produktong petrolyo.

Dahil walang supply, mas malakas ang demand, para sa mga produktong petrolyo. Sa Kamara de Representantes noong umaga ng Lunes, ika 07 ng Marso 2022, pinag-uusapan ng mga kongresista ang mga panukalang matugunan ang problema ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Kasama sa mga tinatalakay ng mga mambabatas ay ang panukalang baguhin ang batas tungkol sa pag-alis ng kontrol ng gobyerno, o yung Oil Deregulation Law, na ipinasa noong panahon ng Pangulong Fidel Valdez Ramos.

***

PANGULONG RAMOS, SINISISI SA WALANG HABAS NA PAGTAAS NA PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO DAHIL SA KANIYANG OIL DEREGULATION LAW: Dahil sa batas na ito ni Ramos, inalis ang Presidential Decree ng Pangulong Ferdinand Marcos na naglalang ng Oil Price Stabilization Fund, o OPSF. Ang OPSF ay pondong itinatabi ang gobyerno noong panahon ni Marcos mula sa mga buwis na binabayaran ng mga gasoline companies.

Ang OPSF ay ibinigay naman ng gobyerno sa mga kompanya ng langis kung nagkakaroon ng pagtaas ng presyo sa pandaigdigang pamilihan. Naging mahusay sa pagmamantini ng presyo ng gasolina ang OPSF, kaya naman hindi nararanasan ng sambayanan ang bigat ng mga pagtaas ng presyong ito. Sa biyaya ng OPSF ni Marcos, ginaya ito ni Cory Aquino, subalit inalis ni Ramos noong ipasa niya ang Oil Deregulation Law.

Sa batas ni Ramos, inalis ang kontrol ng gobyerno sa mga kompanya ng langis, at hinayaan ang mga ito na sila na ang magtatakda ng presyo ng kanilang mga produkto. Mula noong magkabisa ang batas na ito ni Ramos, hindi na lamang tumaas ang presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo.

Humirap din lalo ang buhay ng napakaraming mga Pilipino, dahil sa mataas na presyo ng bilihin, lalo na ng mga batayang kailangan sa araw-araw. Sa mga negosyante, ang anumang pagtaas ng presyo ng gasolina ay binabawi nila sa presyo ng kanilang sariling mga produkto.

***

MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com (Kakampi Mo Ang Batas), Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, at 95.5. J FM network.