Advertisers
SA dinami-dami ng mga puna, komento at mga alegasyon na hindi enkwentro ang pagkakapatay kay Chad Booc na isa lamang daw guro, dalawang linggo na ang nakaraan sa Purok-8, Barangay Andap, New Bataan, Davao de Oro, isa lang ang naka-pagpatigil sa mga ito.
Siya si Rurelyn Bay-ao, dating estudyante ni Booc sa Salungpungan at Bakwit Schools.
Ang sabi ni Rurelyn nang maging guest ito sa ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), taliwas sa mga sinasabi ng ibang grupo, si Booc raw ay talagang kasapi at lider ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Dahil sa kanyang patotoo, na si Booc ay isang NPA lider at recruiter ng mga kabataan para lumaban sa pamahalaan, nalusaw ang mga pahayag ng mga kaalyado ng komunistang-teroristang samahan ng CPP-NPA-NDF.
Paanong di malulusaw eh mismong si Bay-ao, na kabilang sa mga Indigenous People (IP) ng tribo sa Talaingod, Davao, ay nagsiwalat na siya ay naturuan noon ni Booc sa Save Our School Network , isang community-based learning, na sistema ng komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
“Naging mag-aaral po ako ni teacher Chad. Si Sir Chad ay di basta-basta aktibista lang, at di basta-bastang guro lang, kung di ay NPA mismo,” ang sabi ni Bay-ao.
Kanya rin inilahad na nakasama na siya sa mga tinuturuan ni Booc noong pang 2020, kabilang na rito ang sila ay nasa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City bilang miyembro ng Bakwit School kung saan itinuturo sa kanila ni Booc ang mga doktrina ng “PaDePa” (Pambansang Demokratikong Paaralan), ang paraan paano labanan at pataubin ang pamahalaan.
Si Booc at apat pang NPA fighters ay napatay sa 15-minuto ng bakbakan sa pagitan ng 1001st Infantry Brigade ng Philippine Army sa Purok-8, Barangay Andap, New Bataan, Davao de Oro noong Huwebes (February 24, 2022).
Agad naglabas ng pahayag ang mga kaalyado ng komunistang-terorista. Kesyo si Booc raw ay isang volunteer teacher lamang at di ito napatay sa enkwentro kung di sa isang ambush ng mga militar.
Bukod kay Bay-ao, ang militar na kinatawan ni Capt. Mark Anthony Tito, taga-pagsalita ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, ay nagpatotoo na rin, na ang enkwentro ay bahagi ng kanilang walang tigil na pagtugis sa mga NPA sa lugar upang pigilan na ang mga panggugulo ng mga ito.
Senigundahan naman din ito ni Govetnor Tyron Uy, ng Davao de Oro , na pinasinungalingan din ang mga lumalabas na balita na sina Booc ay napatay sa ambush ng mga militar.
“I’d like to validate the occurrence of the encounter,” ang pahayag ni Uy, na dinagdag pa, ang impormasyon ng enkwentro ay pinarating ng mga nakasaksing sibilyan sa kanilang lugar.
“Wala na kasi silang masa, mahirap na sa kanilang bumaba. Dahil ayaw na ng mga tao sa kanila. And because of our support through and from the ‘whole-of-nation’ approach” ang paliwanag ng gobernador na pinatutukuyan ang inisiyatibang nanggaling kay Pangulong Rodrigo Duterte na lumikha sa NTF-ELCAC.