Advertisers
MAY hugis na ang labanan para sa panguluhan sa pagitan ng matalik na magkaribal sa halalan, ang abalang pangulong si Leni Robredo at ang mahilig sa perya na palasakay ng tsubibo na si Boy Pektus. Ito ang labanan mula ng mag-umpisa ang pagsusumite ng COC sa panguluhan. Habang ang iba’y sumali sa laban dahil ramdam sa sarili na ito ang nais ng sanlumikha. At ang iba’y napagsabihan na tumakbo ng mabasag ang balwarte ng malakas na katunggali.
Ngayong nangangalahati na ang panahon ng panliligaw ng mga tumatakbo sa pambansang pwesto kita na kung sino ang ibig ng mga botante at ang dalawang binabangit sa itaas ang mukhang muling maghaharap sa pinal. Wala pang makapagsasabi kung sino sa dalawa ang mananalo at depende ito sa mga susunod na araw kung paano gigiya ang mga manghahalal sa kung sino ang umangat o pinupulsuhan sa darating na halalan. Maganda ang laban dahil ito’y return bout ng dalawang magkaribal at sa labanang ito mahuhusgahan kung sino ang basbasan ng bayan para mamuno sa darating na anim na taon.
Sa ngayon, patuloy na nanunuri ang manghahalal sa kung sino ang karapatdapat na manungkulan at tumigil sa puno ng Balite ng Malacanan. Hindi pa man nagpasya si Mang Juan subalit masasabi na may ilan ng kaanak nito ang nakapagpasya na sa kung sino ang ibig. Sa kung sino ang marami o nakakarami hindi pa masasabi subalit ang dalawang madalas sa unahan ng mga survey ang napipisil ngunit maari pa ring magpalit depende sa galing ng mga ito sa paglalahad ng plataporma de gobyerno.
Sa mga nagaganap na mga rally masasabing dinudumog ng mga tao ang mga pagtitipon ng mga ito. Subalit hindi ito katiyakan ng larawan na kung ang dami ng dumadalo’y tunay na ihahalal sa kung sino. Ang tiyak dito ang patuloy na pagsusuri ng taong bayan kung sino ang magbibigay sa kanila ng serbisyong mapapakinabangan sa hinaharap. Batid ng bayan sa kung sino ang totoo at kung sino ang mabulaklak ang pananalita. Ang siste ng pagpapadalo sa mga rally ang isang bagay na sinisilip ng mga manghahalal. Ang hakot crowd na madalas na ipinupukol sa grupo sa Inutile at ang kusa crowd na tatak ng grupo ng Kalimbahin. Sa kaayusang ito, bentahe ang kusa crowd ngunit huwag ipagwalang bahala na gumagana ang tatak bilihan lalo’t hirap sa buhay ang karamihan.
Ang pagpasok ng lokal na kampanya, mas magiging masigla ang hakutan at ang mga kusa crowd upang ligawan ang mga manghahalal lalo’t ito ang panahon na bumabaha ang maraming salapi at mga taartits na pangunahing pinupuntahan ng mga manghahalal. Sa totoo lang malaki ang bentahe ng mga kandidatong malapit sa mga celebrity’ sa kadahilanang pinupuntahan ito ng mga manghahalal. Dinudumog ng mga tagahanga ang mga rally na may taartits upang makita ang iniidolo. Kahit gabihin sa panonood sa rally basta’t batid na dadating ang idolo, gagawin ito kahit umagahin. Subalit hindi katiyakan na maisasalin ang paghanga sa paghahalal. Magkaibang usapin ito lalo’t dama ng tao ang kahirapang dinadanas dahil sa kawalan sa buhay at kawalan direksyon ng liderato. Ang paghanga’y mananatiling paghanga at ang papipiliin sa paghahalal ang dama ng sikmurang kumakalam. May nababayarang manghahalal ngunit iba ang damdamin nito at ‘di kasiguraduhan na dala ito hanggang sa loob ng presinto.
Tunay na may nakapagpasya na sa kung sino ang ibig sa halalan at malamang hindi na ito maiiba. Subalit may bloke ng manghahalal na hindi pa tuwiran ang pagnanais sa kung sino ang ibig, ang kabataan. Ang grupong ito ang magpapasya ng kalalabasan ng kung sino ang susunod na pangulo ng bansa. Ang grupong ito ang dynamic o’ masusing magsuri at mapapansin na matagal magpasya dahil lubhang nagsusuri sa kung sino ang ibig. Ngunit tumataya ang Batingaw na ang kabataang ang magdadala sa grupo ng kalimbahin na kusa ang panghihikayat sa pagsama sa mga rally. Hindi ito nagpapabayad bagkus hila’t hakot nito ang kapwa kabataan na umaasa sa malinis na pamahalaan na may pagkiling sa nakararami. Sila ang kikilos upang ipanalo ang malinis na liderato na sa tingin nila’y karapat dapat dahil adhikaing ‘di pansarili.
Hindi natutuunan o mabibigyan bigat ang pagpapasya ng kabataan, subalit, ang kabataan ang bloke na hindi na kailangan organisahin o sabihan. Kusa itong gumagalaw sa anumang usapin na malaki ang epekto sa buhay nila. Batid na ang grupong ito’y kayang magbigay ng oras at lakas upang isulong ang kanilang paniniwala. Hindi kailangang gastusan o pakainin basta ayun ang galaw paniniwalang bitbit. Ilang beses ng napatunayan at patuloy na pinatutunayan na hindi pansarili ang adhikain bagkus pang maramihan o pangkalahatan. Walang kapalit ang alay nito sa bayan at ang madalas na tumataya sa halip na tayaan.
Silipin ang ilang survey na ginanap sa mga pamantasan, malinaw ang resulta banderang tapos ang pagpili sa abalang pangulo. Tinatayang ang resulta sa ginawang survey’ pagpapakita na ang kabataa’y pumipili ng kandidato na magdadala ng magandang kinabukasan. Hindi ito naniniwala sa mga mabulaklaking salita, sa halip nakatuon ito sa mga nagawa at sa lider na walang bahid ang pagkatao. Walang pagmamalabis na ginawa lalo sa panahon ng panunungkulan, hindi nagpayaman, hindi nagpasasa sa pera ng bayan at ganap na serbisyo ang ginawa sa bayan. Ang ginawang pagpili’y ayon sa track record at hindi sa pangakong dila.
Sa pag-aaral ng kaugalian ng kabataan may kapusukan ito sa pag-uugali at sa pagnanais. Hindi nagpapatumpik-tumpik sa halip ginagawa ang maisipan lalo’t nakakasaya ito sa sarili. Ang pagpapasyang ito ang nagdadala sa kanya sa estado na kung saan ang karamiha’y nagaalanganing bangain dahil na rin sa kalakasan ng katawan at walang pinipiling kalaban. At ang pagkiling sa katotohanan at kabutihan ang hinahangaan dahil ito’y sa nakararami. Hindi man tuwiran ang pakinabang, ang isip at puso nito para sa pagbabago na tinatayuan, noon pa man hanggang sa kasalukuyan. Hindi nagkukulang sa pakikisama ngunit humihiwalay kusang humihiwalay kung ang kabutihan ng bayan ang pinag-uusapan. Hindi ito madidiktahan o mabibili dahil wala itong paki sa sino man. Ang tuwirang tinatayuan ng kabataan ang pakinabangan ng bayan sa hinaharap wala ng iba pa. Ang Boto ng Kabataan ay para sa kinabukasan ng kapatid at ng sambayanan. Tiyak na at asahan na ito’y para kay Mang Juan at sa kabutihan ng bayan na ipagkatiwala o nakuha ni Leni Robredo. Para sa bayan ang boto ng kabataan at sa Pilipinong nasa laylayan at ito’y kay Leni nakalaan.
Maraming Salamat po!!!