Advertisers

Advertisers

Rocco nilinaw, walang selos factor sa misis na muling makasama sa teleserye ang dating kalabtim na si Sanya

0 223

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

“YUN pa lang na-nominate ako noong time na yun sobrang happy ko na po,” umpisang pahayag ni Garrett Bolden sa pagwawagi niya noong Nobyembre bilang Male Pop Artist of the Year sa 12th Star Awards for Music ng PMPC (Philippine Movie Press Club).

“Kasi nung nakita ko po yung mga kasama ko sa list ng nominees e alam ko naman na parang, ‘Naku mahirap ‘to, parang hindi ako mananalo dito!’



“So kumbaga happy na po ako and glad na na-nominate ako.

“Pero at that time I was hosting an online for The Clash then pumasok sa akin yung balita po na nanalo ako for Male Pop Artist of the Year, dun po hindi ko ma-express, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko at that time kasi parang I thought it was impossible but, it did happen.”

Isang malaking achievement ang pagwawagi ni Garrett dahil kahit maituturing na baguhan pa lamang sa music industry ay malalaking pangalan na ang tinalo niya sa naturang kategorya tulad nina Carlo Aquino, Iñigo Pascual, Matteo Guidicelli at ang  kapwa niya Kapuso male singer na si Ruru Madrid.

Ang ipinanalong kanta ni Garrett ay ang Handa Na Maghintay sa ilalim ng GMA Music.

Ano ang mga pagbabago na naidulot kay Garrett ng pagkakaroon niya ng award bilang mang-aawit?



“Actually an award po is supposed to be, kumbaga, a validation of being an artist pero for me I treat it as something that will give me more drive to you know, really pursue this career and bring more of myself and my music to everyone.

“Para po kumbaga, binigyan po ako ng mas lakas ng loob na nakikita ko po yung mga awards na naibibigay po sa akin at napapanalunan ko.

“It gives me more drive to do more po.”

Samantala ang bagong kantang isinulat at kinanta ni Garrett na Pwede Pa Ba? sa ilalim ng GMA Music ay available sa Spotify, YouTube Music, iTunes at iba pang mga digital platforms worldwide.

Ang naturang single ay agad nakarating sa third spot ng iTunes PH noong i-release ito nitong January 28.

Ang Pwede Pa Ba? ang unang attempt ni Garrett na sumulat ng isang Tagalog na kanta.

Si Garrett din ang umawit ng theme songs ng iba’t ibang serye ng GMA tulad ng Agimat ng Agila, The World Between Us, at Stories from the Heart: Love on Air.

Ang una naman niyang isinulat na awitin, ang Our Love ay napili na maging official theme song ng primetime series  na I Left My Heart in Sorsogon.

***

MASAYANG-masaya si Rocco Nacino na muli niyang nakatrabaho ang dati niyang on-screen partner na si Sanya Lopez sa top-rating GMA Telebabad series na First Lady.

Ayon kay Rocco, wala silang naging ilangan ni Sanya nang magkaroon sila ng eksena. Huli pa kasi silang nagkasama noong 2028 sa Haplos.

“First time ko makakatrabaho si Gabby, and si Sanya, proud to say na siya ‘yung una kong katambal noong ‘Encantadia,’ that was five years ago,” saad ni Rocco.

“So it’s nice to see how much Sanya has grown and I’m very, very excited na makita kung paano umatake si Sanya sa mga eksena ngayon, and seeing the success of ‘First Lady,’ very excited ako sa magiging ganap dito.”

“Although medyo kapa pa ako kasi kakatapos ko pa lang ng heavy drama na series so matagal kong kausap si Direk L.A. [Madridejos] as to how to attack this character,” aniya.

Sa First Lady, gagampanan ni Rocco si Mayor Moises, ang guwapong rising star mayor na may mataas na political ambition.

Dagdag ni Rocco, “But nung in-offer sakin, very interesting, I like kung ano ang maibibigay ni Mayor Moises.”

Para naman kay Sanya, masaya siya na muling makatrabaho ang dating ka-love team matapos ang ilang taon.

Saad niya, “I’m very excited na makatrabaho ulit si Rocco kasi medyo matagal-tagal na rin po kaming hindi nakapagsama.”

“Siya po ‘yung pinakamarami kong teleserye na ka-partner ko si Rocco so excited po kami,” dagdag ni Sanya.

Na-link noon sina Rocco at Sanya sa isa’t isa pero paliwanag ni Rocco ay matagal nang naayos ang gusot sa pagitan nilang dalawa.

Sa katunayan, very supportive ang asawa ni Rocco na si Melissa Gohing sa muli nilang pagsasama sa iisang proyekto.

Aniya, “Kung hindi siya supportive, wala po ako dito, hindi ko po tatanggapin ‘to kasi nirerespeto ko rin kung ano mararamdaman niya.”

“But she’s very supportive, alam niya kung trabaho, trabaho. And kilala naman niya si Sanya, she’s met her a few times already. Wala namang problema, she was actually excited for me na makapasok ako dito sa serye na ‘to,” pagtatapos ni Rocco.