Advertisers

Advertisers

Paghahanda sa indulto

0 2,433

Advertisers

BAGYO ang dating ng mga taong malapit sa kulambo ng Malacanan at nakukuha ang mahahalagang posisyon sa pamahalaan na parang higaan na inilalatag sa kanilang harapan. Hindi magkandaugaga ang puno ng Balite ng Malacanan sa pagtatalaga sa pwesto ng mga taong masasabing importante sa hinaharap. Isinasantabi ang career service eligibility sa halip itinatalaga ang mga taong magbibigay proteksyon o masisiguro sa kanilang kinabukasan sakaling magkaroon ng mga usapin legal, ito ba’y paghahanda? Lubhang nakakabahala ang ganitong gawi lalo’t maraming opisyal ng pamahalaan na halos abot na ang pagre retiro eh hindi pa nakukuha ang inaasam na pwesto kahit karapat dapat ang katangian at kwalipikasyon sa posisyong bakante.

Sa masamang kapalaran, hindi ito tinitingnan ng nagtatalaga sa halip ang kailanga’y katapatan sa magtatalaga at hindi sa pwestong pagtatalagaan. Para saan at naroon sila sa itaas.

Sa totoo lang maraming mga kawani ng pamahalaan ang nawawalan ng loob na patuloy na maglingkod dahil sa hindi sinusunod ang merit and promotion sa serbisyo, hyun mas mabilis na naitatalaga sa pwesto ang kakampi mula sa Dabaw kahit hindi sapat ang kwalipikasyon dahil sa bagyo sa tagapagtalaga. Hindi minamaliit ang kakayahan ng mga naitalaga ngunit ang mga kawani na nilulumot sa tagal ng paglilingkod sa pamahalaan ang madalas na napag-iiwanan sa kawalan ng reseta para sa promosyon. At sa totoo pa rin, ito o sila ang inaasahan na nagpapatuloy ng pinong serbisyo sa ahensya kahit walang puno dahil gamay nito ang kalakaran sa loob at labas ng opisina. Ang katapatan sa serbisyo ang dahilan sa patuloy na pagganap sa trabaho sa ahensyang pinapasukan na nagbibigay serbisyo sa taong bayan.



Kung sisilipin ang kasalukuyang pagtatalaga sa mga opisyal sa anumang ahensya ng pamahalaan, wala na ang tinatawag na seniority o’ rose from the ranks at merito, napalitan ito ng palakasan system na kung malapit sa nagtatalaga, hindi na kailangan ng mga katangian na dapat sa pwestong paglalagakan. Ang mahalaga’y ang tiwala ng punong nagtatalaga at saka na ang ibang kailangan kwalipikasyon sa pwestong pag-uupuan.

At kung sumusunod sa kalakaran ng pagtatalaga hindi malayo na malagpasan o maabutan ng mga taong magaling sa sipsipan sa amo ang ating tapat na lingkod bayan. Dahil ang katapatan sa nagtatalaga’y , may gantimpalang nakalaan, ang mataas na pwesto sa kinabukasan. Huwag umasa sa merito ng mga ginawa sa trabaho ang mahalaga’y may merito sa amo.

Sa ngayong panahon, pansinin na unti-unting nagtatanim ng mga tao si Totoy Kulambo sa mga opisina na matagal na hindi nalalagyan ng mga opisyal. At kung may nakatangan sa pwestong ibig, ang paglipat sa ibang opisina sa naka-upo’y madaling gawin, iakyat ng pwesto at ipapasa kakampi ang nais na pwesto. Lalo’t mahalaga sa kinabukasan ang pwestong paglalagyan sa Balite ng Malacanan na nagsisiguro sa kinabukasan. Mabuti na ang maagap sa masipag.

Tingnan ang mga kasalukuyang mga appointees ni Totoy Kulambo sa COMELEC, pawang malalapit ito sa Inferior Dabaw Group na kung susuriin isa na namang pagsisiguro na ang darating na halala’y paghahanda sa panalo ng manok na tsope. Kahit ‘di sanay sa kaibigan na ayaw sa bitaw, malinaw na ang sintensyador sa COMELEC ang magtataas sa kamay ng manok nito na may dedeklarang nanalo sa laban. At sakaling magawa ang pagtataas sa manok bilang nanalo, ang kaba sa dibdib ay kagyat na mawawala dahil batid na ang resulta’y pumabor sa paghahanda sa indultong kinakaharap o baka wala nang maganap na usapin.

Subalit sa ngayon pa lang, maraming Pilipinong mapagmasid ang nagpapakita ng pagtutol at pagkadismaya sa mga itinalagang mga opisyal sa pamahalaan, lalo na sa COMELEC. Hindi masikmura ang nagaganap na pagtatalaga lalo’t nakikita na ang mga naitalaga’y may pagkiling sa mga kandidatong malapit sa puno ng Balite ng Malacanan at sa kapareha si Boy Pektos aka Jun Dugas.



Kabi-kabila ang pagtutol ngunit tila ipinagkibit balikat lang ni Totoy Kulambo dahil batid niyang siya lang ang may kapangyarihan na magtalaga ng sino mang tauhan sa gobyerno. Ang pagtutol ni Mang Juan, Aling Marya at Mang Rod ang nagpaigting upang bantayan ang maaaring kaganapan sa araw ng halalan at sa bilangan. Hindi magbaba o nagwagayway ng banderang puti bilang pagsuko ang mga nagmamahal sa bayan. Sa halip, tatapatan ng paghahanda ang nalalapit na halalan at palalakasin ang kandidatura ng mga taong magdadala ng matapat na gobyerno para sa lahat. Tatapatan ng malupit na paghahanda ang paghahandang ginagawa ni Totoy Kulambo, ang bawat kilos ay may katapat na pagkilos na magdadala ng hustisya para sa mga Pilipino.

Sa ngayon, handa ang kalimbahin sa kilos ng kalaban kontra daya lalo sa antas ng COMELEC at F2 Logistics na itinalaga tagabilang ng boto. Batid ni Mang Juan na malapit sa puno ng Balite ng Malacanan ang mga tumatao sa mga ahensyang ito at ang pagsisiguro na hindi madadale ang napipintong panalo sa halalan. Ngunit paiigtingin ang pagbabantay ng taong bayan sa COMELEC at F2L lalo’t kita na kung paano dinadagsa ng mga taong kusang dumadalo sa mga campaign rally ng kalimbahin ng abalang pangulo. At tila binabangungot ang kampo ni Jun Dugas sa pagsilip sa dami ng nagkukusang dumadalo sa rally ng kalimbahin.

Ang maganda dito, walang nagaganap na dukutan ng mga gamit ang mga dadalo sa rally ng kalimbahin ‘di tulad sa Inutile na pupuntahan sa entablado ang dismayadong taga sunod upang magreklamo ng pagkawala ng kanilang gamit. Patunay na ang kaganapan sa baba ng grupo ng kalimbahi’y may basbas ng sanlumikha. At kahit anong pagsusumikap ng grupo ni Jun Dugas hindi matatawaran na ang kaba nito’y abo’t sa pundilyong kasuotan.

Sa ngayon nariyan ang paghahanda ni Totoy Kulambo sa indulto ng kinabukasan sa pagtatalaga ng mga tapat na tagasunod sa mga sangay ng pamahalaan na masisigurong mahihirapan ipatupad ang hustisya laban sa kanila. Ngunit sa paghahandang inilatag ng IDG, nariyan ang kontra paghahanda ng grupo ng kalimbahin na magbibigay katarungan sa mga biktima ng aalis na pamahalaan. Hindi papayag ang sanlumikha sa buktot na kilos ng buktot na pamahalaan.

Ang mabuti ang mananalo kontra sa masama. At tulad ng kasabihan, sa bawat aksyon katapat nito kontra reaksyon para sa kabutihan ng sambayanan.

Maraming Salamat po!!!