Advertisers

Advertisers

PN, ‘shotgun’ ng BFAR laban sa mangingisdang Pilipino

0 523

Advertisers

BFAR na ang kahulugan ay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang ahensiyang nakatoka sa karagatan ng Pilipinas.

Layunin nitong protektahan, pangalagaan at paunlarin ang yamang dagat ng bansa, sapagkat ang mga isda at iba pang produkto ng ating karagatan ay pagkaing inilalagay sa bawat hapag-kainan ng mamamayang Pilipino, mayaman man p mahirap.

Sa madaling salita, produktong Pilipino ay para sa mga Pilipino, hindi sa dayuhan!



Sinple lang ‘yang sinabi na kahit Pilipinong hindi nagtapos ng elementarya ay pihadong alam na alam ‘yan.

Pinangangasiwaan ng Department of Agriculture (DA) ang BFAR.

Sa pagtupad ng mandato ng BFAR, nagsisilbing katuwang nito ang Philippine Coast Guard (PCG) at ang Maritime Command ng Philippine National Police (PNP).

Uulitin ko po para malinaw — katuwang ng BFAR ang Coast Guard at PNP – Maritime Command sa pangangasiwa at pangangalaga ng karagatan ng Pilipinas, hindi “partner” sa “extortion” o pangingikil sa mga mangingisdang Pilipino.

Ngunit, nakarating sa BIGWAS! na hindi lang pala Coast Guard at PNP – Maritime Command ang ginagamit ng BFAR sa pagtugon nito sa kanyang trabaho, tungkulin at obligasyon sa mamamayang Pilipino, partikular na ang mga mangingisda, kundi maging ang
Philippine Navy (PN).



Isa ang PN sa puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang AFP ay armadong yunit ng pamahalaan na tagapagtanggol ng bansa at mamamayan laban sa mga dayuhang mananakop, terorista at komunista ang papel.

Ayon sa mga mangingisda na nakabase sa Region 1, gamit ng BFAR – Region 1 ang Naval Special Operation Command (NAVSOC) ng PN, maliban pa sa PNP – Maritime Command at Coast Guard laban sa mga mangingisda.

Pokaragat na ‘yan!

Ibig sabihin, hindi kontento ang BFAR sa ginagawa ng mga opisyal ng PNP – Maritime Command at Coast Guard.

Kinailangan pa talaga ng BFAR ang “serbisyo” ng puwesa ng AFP upang ipanglaban sa mga mangingisda.

Pokaragat na ‘yan!

Sino bang mga opisyal sa BFAR – Region 1 ang nakaisip ng ideyang isama bilang panlaban sa mga mamgingisda?

Dapat kayong palakpakan dahil sobrang talino ninyo!

Mantakin n’yo, mistulang kumuha ng “shotgun” ang BFAR Region 1 nang kunin ang serbisyo ng NAVSON para pasunurin ang mga mangingisda sa sariling interpretasyon nito sa batas sa pangingisda.

Ang NAVSOC na dating Naval Special Operations Group (NAVSOG) ay elitistang yunit na panggyera laban sa mga dayuhang mananakop ng bansa, terorista at komunista.

‘Yan ang oryentasyon ng NAVSOC at papel sa buong papel ng AFP.

Nagtataka at natatakot ang mga mangingisdang Pilipino sa Region 1 dahil kasama na ang NAVSOC ngayon sa pagpapatigil at panghuhuli ng BFAR laban sa mga mangingisda.

Ang tanon ko sa inyo: Dayuhang mananakop ba ng Pilipinas ang mga mangingisda?

Terorista ba ang mgangingisda?

At ang ikatlo at huling, komunista ba ang mga mangingisda?

Ang paggamit ng BFAR sa NAVSOC bilang sandata at shotgun laban sa mga mangingisda ay nagmistulang “arresting unit” ng BFAR ang NAVSOC laban sa mga mangingisda tulad ng ipinapagawa sa Coast Guard at PNP – Maritime Command.

 

Dismayado nang husto ang mga mangingisda ng Pilipino sa ginagawa ng NAVSOC dahil hindi naman sila dayuhang mananakop sa Pilipinas , hindi rin sila mga teroristang kaaway ng gobyerno at lalong hindi sila komunista.

Lehitimo silang naghahanapbuhay upang may makain ang kani-kanilang pamilya at mga pamilya ng kapwa nila Pilipino.

Naniniwala ang mga mangingisda sa Region 1 na dapat tumigil ang NAVSOC sa panghuhuli sa kanila dahil wala sa mandato ng NAVSOC na hulihin ang mga mangingisdang Pilipino.

Naniniwala ang mga mangingisda sa Region 1 na mas maganda at siyang wasto kung paaalisin ng NAVSOC at BFAR ang mga dayuhang nagingisda sa sariling karagatan ng Pilipinas tulad sa Lingayen, Pangasinan.

Hindi alam ng mga Pilipino na regular na nangingisda ang mga dayuhang nangingisda mula sa China sa Lingayen gamit ang malalaking barko nila, subalit hindi ginagalaw at ipinagtatabuyan ng BFAR, PCG, PNP – Maritime at ng NAVSOC.

Napakalinaw na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ang mga dayuhan , ngunit duwag na duwag ang BFAR at NAVSOC, gayong spesyal yunit ng PN ang NAVSOC laban sa mga dayuhang mananakop.

Huwag sabihin ng pamunuan ng PN na pabor sila sa ipinapagawa ng BFAR dahil madaling magkaroon ng isusulat sa kanilang “accomplishment report” upang batayan ng promosyon ng kanilang ranggo?