Advertisers
AYON sa Blackwater ay hindi raw nila ipagpapalit kanilang mga pick sa rookie draft sa Abril.
Tatlo ang pwede pillin ng Bossing sa unang round at kanila pa ang numero unong hugot sa second round.
Sabi ni Coach Ariel Vanguardia na may pangako na sa kanya ang management ng koponan na magpapalakas sila sa susunod na season.
Yan ang masayang balita ng team matapos ang panalo nila sa league-leading Magnolia na siyang nagwakas din ng kanilang 29 game losing streak na pinakamahaba sa kasaysayan ng PBA.
Pwedeng totoo nguni’t sa mga nakaraang panahon ay na-trade nila ang mga pick. Kung hindi naman kaagad ay sa mga sumunod na taon.
Halimbawa diyan sina RayRay Parks na dating No. 1 pick na napunta sa TNT. Noong huling season naman nakipag-swap sila ng mga player at mga pick sa NLEX at TNT muli.
Sana this time ay totoo na ito upang makaahon na sila sa dulo.
***
Kahit malaki panalo ng Lakers sa karibal na Warriors ay natalo naman sila sa mga prangkisa na halos eliminated na.
Olat sila sa San Antonio at Houston. Rebuilding mode ang mga kalabang below .500 pero dinaig pa rin sila.
Araw-araw lumalabo kanilang chance makasama sa play-offs. Sa play-in na lang nga ay baka malasin pang mawala.
Sa 2021-22 naman mahihirapan silang ma-retain ang mga revelation na sina Malik Monk at Austin Reaves dahil sa minimum lang mga suweldo. Pati nga si Carmelo Anthony baka maalok ng mas mataas na sahod.
Kailangan ma-unload nila sina Russell Westbrook at si Anthony Davis na mga future pick mga kapalit upang may pera pa sila makaenganyo kina Monk, Reaves at Anthony na bumalik. Alangan naman si LeBron James ang maalis.
Tapos maka-offer din sila sa magiging mga free agent gaya nina DeAndre Ayton, Jonas Valanciunas at Collin Sexton.
Nandiyan din mga underrated na sina Robert Cavington, Jusuf Nurkic at Hassan Whiteside.
Aminin na nilang palpak ang pagkuha kay Brodie.
Call nina Jeannie Buss, Rob Pelinka at Kurt Rambis yan. Siyempre may basbas ni King James dapat.
***
Papasok na ang kampanyahan para sa ika-9 ng Mayo sa 2nd half. Sino na ba lamang? Sa mga survey si dayunyor pa rin nguni’t sa Google trends at Facebook analytics pati sa dami ng crowd sa mga rally ay si Leni na ang una. Ano ba talaga mas mabigat na pamantayan?