Advertisers

Advertisers

Maynila naghahanda na sa banta ng ‘Deltacron’ – Isko

0 303

Advertisers

SINABI ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Mayor Isko Moreno, na ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay naghahanda na sa banta ng napaulat na panibagong variant ng COVID-19 na tinawag na ‘Deltacron.”

Sinabi ni Moreno na silang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna na isang lady doctor at in charge sa city’s health cluster, ay palagiang nag-uusap upang makapaglatag ng mga paraan kung paano tutugunan ang malilikhang epekto ng nasabing bagong variant, kung ito man ay labis na nakakahawa at maaring magbunga ng panibagong surge.

“Hindi po porke bumababa ang kaso ay magre-relax tayo. Hindi natin alam kung ano ang maaring mangyari although nananalangin tayong huwag naman sana magka-surge,” Moreno said.



Sa ginawang weekly capital report, sinabi ni Lacuna na ang quarantine facilities ng lungsod ay zero occupancy na, gayunman pinapanatili pa rin nila ito sakaling magkaroong muli ng surge.

“Sabi nga ni Yorme, daig ng maagap ang masipag kaya lagi tayong handa sa Maynila,” sabi ni Lacuna.

Ang Deltacron ay kumbinasyon ng Delta at Omicron variants.

Sinabi pa ni Lacuna na ang Manila COVID-19 Field Hospital na pinamumunuan ni Dr. Arlene Dominguez at nasa Quirino Grandstand ay mayroon na lamang 22 percent occupancy.

Sa 344 beds na available sa nasabing ospital, tanging 76 dito ang okupado hanggang March 1 at ito ay base sa report ni Dr. Dominguez.



Samantala ay pinuri ni Lacuna ang lahat ng vaccinators sa lungsod dahil patuloy ito sa pagbibigay ng mga bakuna araw-araw at walang palya.

Ang mga vaccinating teams na pinamumunuan ng Manila Health Department sa ilalim ni chief Dr. Poks Pangan, ay nagbabakuna ng fulltime, kabilang na ang weekends at holidays, simula nang magdatingan ang mga bakuna. (ANDI GARCIA)