Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA latest You Tube vlog ni Bea Alonzo, binasa at sinagot niya ang mga mean comments sa kanya ng netizens tungkol sa paglipat niya sa GMA-7.
Sabi ng isang netizen kay Bea: “Ayoko na sa iyo. Iniwan mo kasi ang Star Magic after 19 years na inalagaan ka.
“Nadapa lang ang nag-alaga sa ‘yo, iiwanan mo na lang. Hindi ba pwede na akayin mo para makabangon?”
Ang tinutukoy ng netizen na nadapa ay ang pagkawala ng prangkisa ng Kapamilya network.
Mahinahong sagot ni Bea, “Siyempre, madali sa atin ang mag-comment, di ba, kapag hindi natin alam yung nangyayari. I acknowledge your comment. You are entitled to your own opinion, but that doesn’t make it’s true.
“Marami pong nangyari at maraming dahilan, at lahat kami ay okay. So, sana okay ka rin.”
Sa isa pang mean comment, ang sabi kay Bea, “There goes a new has been actress. After pasikatin ng Star Magic at ABS-CBN tapos iiwan na lang ng ganun.”
Seryosong tugon naman ni Bea: “Hindi siya madaling desisyon.
“Super tagal kong pinag-isipan and I have my own reasons for it.
“And I wish maisa-isa ko sa iyo, pero hindi ko na kailangan gawin iyon because I don’t have to.
“I don’t have to explain myself because I think I’ve done that.”
Sabagay, noong nagkaroon ng presscon kay Bea ang GMA 7 para sa ginawa niyang paglipat dito, ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang mag-ober-da-bakod sa nasabing istasyon, at iniwan ang Kapamilya network.
***
SO, babae ang isa sa dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Carla Abellana sa mister niyang si Tom Rodriguez?
Sa interview kasi ng ama ni Carla na si Rey Abellana sa radio program ni Cristry Fermin na Cristy Fer Minute, sinabi nito na nabisto ni Carla na nakipag-one night stand si Tom. Hindi nga lang nito binanggit ang name ng girl.
Sabi ni Rey.”Hindi po natin mako-consider na third party, e, ang sitwasyon. Kasi po, ang pangyayari ay one-night stand, e. So, hindi natin kinu-consider yun na third party.”
Inamin naman ni Rey na noon, kahit may asawa na siya, natukso rin siya sa ibang babae. Na aniya ay naiintindihan niya si Tom. Normal lang umano yun sa isang lalakli.
“Kaya inaamin ko na lang, bilang ako lalaki ako, way back, nangyayari din po ‘yan sa akin. E, medyo normal na ‘yan sa buhay ng mga lalaki.
“Kaya naintindihan ko po ‘yan. E, nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin. Para sa akin, you know, bilang isang tao, natural na tao lang po ang nangyayari sa mga ganyang bagay, natural sa buhay ‘yan, e, di po ba?
“May kasabihan nga po na ang isang tao, e, mabibilanggo depende po sa bigat ng kanyang kasalanan. Kung mababaw na krimen ay hindi po kinukulong ‘yan. Pero kung mabigat na krimen ang kanyang atraso, e, yun,” aniya pa.
Sa rebelayon na ito ni Rey, ano kaya ang magiging reaksyon ni Tom?