Advertisers

Advertisers

Nadine excited na sa pagbabalik-akting kahit wala na si James; Faith proud na kamukha ni Pia

0 343

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MALAKING factor sa pagsikat nina Nadine Lustre at James Reid ang kanilang tambalan. Dagdag pa rito ang naging sila sa tunay na buhay.
Pero ngayon tila kabaligtaran na ang nangyayari, kung dati ay sunoud-sunuran si Nadine kay James at lagi itong nakabuntot noon sa dating boypren, taliwas na ang pangyayari sa ngayon, tuluyan nang initsapwera ni Nadine ang kanyang ex boypren.
Naging malaman kasi ang tugon ni Nadine sa panayam sa kanya para sa promo ng kanyang bagong pelikula na “Greed,” nag-start nang mag-stream simula March 16 sa Vivamax Plus.
Ginampanan ni Nadine ang role na Kichi, the typical “dalagang Pilipina” who grew up in the province as a sheltered girl.
At dahil dito ay naging konserbatibo ang kanyang mga magulang to the point pati lovelife ni Kichi ay pinanghihimasukan ng mga ito.
Natanong kasi si Nadine kung ano ang plano niya sa kanyang showbiz career ngayong nagbabalik pelikula na muli siya?
“Definitely, I can finally say na tuluy-tuloy na ‘to. Of course, gusto ko na talagang bumalik sa acting scene. This is really something that I enjoyed doing. I’m really happy because this time around, everyone is really tying to make an effort into changing the genres and the stories that are being given to me,” say ni Nadine.
Kung dati ay nasasama ang pangalan ni James pag showbiz karir niya ang tatanungin, ngayon tila itsapwera na ang ex sa kanyang mga plano. Iba’t ibang role pero never na kasama as leading man si James.
Kaya ang tanong tuloy, tuluyan na kayang babalik sigla ang pananatili ni Nadine sa Viva na nagkaroon sila ng aberya dahil na rin sa kagustuhan noon ni James na sumama na siya sa talent management nito at ng ama?
***
DAHIL sa unti-unti nang nakikilala sa industriya si Faith Da Silva, dagdag pa rito ang madalas na maging co-host siya sa noontime show na “Eat Bulaga,” unti-unti rin na napapansin na malaki ang pagkakahawig ni Faith sa Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.
Sinasadya man niya maging look-alike o hindi, ano kaya sa palagay ni Faith sa impact sa tsikang malaking pagkakahawig nila ni Pia?
“I feel very grateful, she’s a queen. Kasi nakita ko yung journey ni Pia and she’s someone na beautiful and I could feel na mabait siyang tao.
“Para masabihan ka na kamukha mo siya I feel very grateful…she’s a queen,” say ni Faith.
Hindi kaya naging inspirasyon ni Faith ang pagkakahawig nila ni Pia sa tsikang balak niyang mag-join sa Miss Universe Philippines para tuluyan nang sundan ang yapak ng kanyang idol na beauty queen?
“Mayroon akong plano but hindi ko pa alam kung kailan. Abangan na lang natin. Right now ang focus ko is yung pag-aaral ko at yung pag-acting ko. And also yung bagong song ko na ‘Sana Sabihin Mo na Lang,” dagdag pang say ni Faith.