Advertisers

Advertisers

Taas-sahod hiling ni Pacquiao

0 325

Advertisers

I don’t pay good wages because I have a lot of money; I have a lot of money because I pay good wages. — German industrialist Robert Bosch

CEBU CITY, CEBU — Sa gitna nang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng prudktong langis at pangunahing bilihin, binigyang pansin ni PROMDI presidential aspirant Sen. Emmanuel ‘Manny’P Pacquiao na kailangang pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang minimum wage policy nito upang matulungang maibsan and epekto ng pandemya at gayun din ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin.

Ayon sa senador, kailangan nang taasan ang sahod ng mga manggagawa dahil matagal nang hinihiling ng naghihirap na sektor ng mga manggagawa ang pagtaas ng kanilang pang-araw-araw na minimum wage.



Pinunto ng Pambansang Kamao: “Maliit na maliit na iyong sahod ng mga kababayan natin at mahal na iyong bilihin at hindi kasya. Nasubukan ko naman ‘yan. Sinubukan kong mamalengke gamit iyong budget ng isang ordinaryong pamilya sa isang buwan, hindi kasya for one month.”

“Napapanahon na talaga upang itaas ang kanilang sahod at gawing halos kapantay ang suweldo ng mga nasa probinsya at ng mga naririto sa Metro Manila. The government should also come up with measures that will prevent the huge increases in the price of basic commodities,” dagdag nito sa pagpapahalaga rin sa kanyang panukalang standardisasyon ng sahod sa buong bansa.

Bago rito, inamin ni labor secretary Silvestre Bello III na ang ?537 minimum wage na pinapatupad ay hindi na sapat para sa pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino habang binanggit din ang agam-agam na maaaring magbunsod ito ng negatibong pananaw sa mga negosyante at employer na hindi makakayanan ang hinihiling na dagdag sahod.

“Ito ang dapat pag-aralang mabuti at isulong ng ating gobyerno. Sa tulong ang pribadong sektor, maaaring bumalangkas ng balanseng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa paraang hindi naman malulugi ang mga negosyo,” wika ni Pacquiao.

Bukod sa pagtaas nag suweldo, pinangako rin ng standard-bearer ng Probinsya Muna Development Initiative (PROMDI) na itutulak niya ang pagkakaloob nag karagdagang benepisyo para sa mag manggagawa, kabilang na ang para sa healthcare at edukasyon pars sa kanilang mga anak.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">