Advertisers
SWAK sa kulungan ang isang bebot nang bugbugin bago kinuha ang kinitang pera sa pagtitinda ng lolang vendor sa Malabon City, Sabado ng hapon.
Kinilala ni Malabon Police Sub-Station 5 Commander Lt. Mark Xyrus Santos ang salarin na si Jennylyn Cantuba, 29 anyos, ng Phase 1 C, NBBS, Navotas City.
Batay sa report ng imbestigador na si SSgt Michael Oben kay Malabon Police chief Col. Albert Barot, nagtitinda ng kakanin sa parking lot sa Brgy. Longos ang biktimang si Filomena Yabut-Boac, 69, biyuda ng Brgy. 59, Caloocan City, nang sumulpot ang salarin at ginulpi ang matanda.
Bumagsak ang biktima at nagtamo ng pinsala, habang kinuha ng salarin ang P500 na kinita sa pagtitinda ng matanda bago tumakas.
Humingi ng tulong ang biktima kay Cpl Michael Alanic ng SS5 at sa mga tanod ng Barangay Longos at agad naaresto si Cantuba.