Advertisers

Advertisers

Robredo camp nakahanda sa mas marami pang ‘dirty tricks’ ng kalaban

0 391

Advertisers

Inaasahan ngunit nakahanda sa mas maraming pang ‘dirty tricks’ at propaganda ng mga katunggaling partido ang buong hanay nila Vice President Leni Robredo at dating senador Francis “Kiko” Pangilinan habang umiinit ang kampanya at papalapit na ang araw ng eleksyon.

“Nararamdaman na ng mga kalaban ang init kaya sagad-sagarin na ang kanilang maduming propaganda para hadlangan ang pag-usad ng kampanyang Leni-Kiko,” ani senatorial aspirant Alex Lacson.

“Tradisyunal at lumang istratehiya na ang hilahin pababa ang mga kalaban sa politika,” sabi ni Lascon na pinatutungkulan ang “red-tagging” at iba pang black propagandang ibinabato kay Robredo.



“Maliwanag na ‘yan ay propaganda,” aniya. “Wala silang mahanap sa aming kandidatong si VP Leni, sa kanyang pagkatao, sa kanyang track record, kaya maghahanap ng ibang issue,” dagdag ni Lacson.

Sabi naman ng dating kongresista na si Teddy Baguilat, na kandidatong senador sa ilalim ng hanay ni Robredo, noong 2016 nagsimula ang mga “dirty tricks” at paninirang ipinupukol para ilihis ang atensyon ng publiko sa tunay na usapin.

Binigyan-diin ni Baguilat na “walang alyansa” sa pagitan ng kampo ni Robredo at mga rebeldeng komunista ngunit tiniyak niyang bukas ang susunod na pangulong Robredo na “ituloy ang usapang pangkapayapaan para bigyan pansin ang problema sa insurehensiya.”

Sinabi ni Baguilat na patunay ang dami ng taong pumupunta at sumusuporta sa mga political rallies ni Robredo na hindi epektibo ang ginagawang paninira ng mga kalaban.

“Habang sinisiraan at binabanatan nila si VP Leni, lalong nakikita ng tao kung sino ang dapat iboto,” ani Baguilat.



Sabi ng dating kongresista na si Erin Tañada at campaign manager ng senatorial slate ng Robredo-Pangilinan camp, na kung referendum ang attendance sa mga political rally, “tukoy at alam na ng mga kalaban ni VP Leni na lumayo na sa kanila ang publiko.”

Sinabi niya na tanging aliens lang ang magkakamaling bansagan na pagtatagpo ng mga komunista ang mga “hip, happy, and huge pink rallies.” for a communist revival parties.”

“Sa rallies, ang daming taong Simbahan, maraming duktor, at pati millennials whose motto is to prosper ethically in a capitalist world,” ani Tañada.

Sinabi ni Lacson na “simula umpisa pa lang” ay tinanggihan na ni Robredo ang paggamit ng dahas bilang isang political tool, kabilang na dito ang ideolohiyang komunismo.

“It is a public record,” ani Lacson. “Ikumpara ninyo ito kay Duterte, na pinayagan ang mga rebelde na magmartsa sa Davao, na sumisigaw ng ‘Mabuhay ang NPA.”

“Si Imelda Marcos, ang nanay ni Bongbong ay sumayaw kasama si Mao Zedong at naki beso-beso pa sa mga lider ng lumang Soviet. May resibo sila. Kay VP, wala,” ani Lacson.