Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
KUMALAT sa TikTok ang picture na magkasama sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero sa isang restaurant sa One Bonifacion Hight Street sa BGC, Taguig City.
Isang waiter ang nagpakuha ng litrato kasama si Ricci, at mayroon din itong larawan kasama si Andrea.
Iniisip tuloy ng netizens na baka raw may namumuo nang relasyon sa dalawa.
Lalo pang napaisip ang mga ito ahil sa isang video na nakitang suot ng dalaga ang isang puting jersey ng U.P. Fighting Maroons.
Snasabing kuha ang video sa lock-in taping ng Lyric & Beat, ang upcoming iWant series na pinagtatambalan nina Andrea at Seth Fedelin.
Si Ricci ay player ng Fighting Maroons ng University of the Philippines, at 25 ang jersey number niya roon.
Bunsod nito ay hindi maiwasang mapatanong ang ibang netizens kung jersey ba ni Ricci ang suot ni Andrea.
At kung jersey nga yun ni Ricci, hindi kaya may something na talagang namamagitan sa kanila ni Anrdrea?
Naku, siguradong magwawala ang mga tagahanga nina Andrea at Zeth kapag nakita ang picture nina Andrea at Ricci.
***
NABANGGIT ni Rey ‘PJ’ Abellana sa interview sa kanya kamakailan ni Cristy Fermin, sa radio show nitong Cristy Fer Minute, na isa sa dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang anak niyang si Carla Abellana kay Tom Rodriguez ay dahil nabisto umano ito ng aktres na nakipag-one night stand sa isang babae. Pero hindi niya binanggit ang name nito.
Sa panayam ng “24 Oras” kay PJ, nilinaw niya ang mga una niyang nasabi tungkol sa ilang rason ng marital problem nina Carla at Tom Kabilang na riyan ang tungkol sa one-night stand.
“At first, may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one-night stand na involved si Tom.
“Si Tom naman was already able to explain kay Carla na wala naman pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari yun. So, wala pong natuloy na one-night stand according to Tom’s side naman,” sabi ni PJ
Paglilinaw pa ni PJ, hindi lang niya ito naipaliwanag nang mabuti kay tita Cristy.
“So, ‘yun po ‘yung scenario ng issue na one-night stand. Napa-shortcut lang po, napa-abrupt lang po pagkasabi ko kay Nanay Cristy na, you know, na napag-isipan ng masama,” paliwanag pa ni Tom.
Samantala, inamin naman ng aktor na tinawagan siya ng anak nang magpa-interview siya kay tita Cristy. At nagalit daw sa kanya si Carla.
“She was mad, she was questioning me why I came up that way. Of course, I explained it to her right away, and after my explanation, explaining my side, hindi na naman siya nag-message na uli,” aniya pa.