Advertisers

Advertisers

BBM ayaw sumali sa ‘presidential debate’ ng Comelec’

0 269

Advertisers

WALANG Bongbong Marcos Jr o “BBM” na dadalo sa pa-debate ng Comission on Elections sa 10 presidentiables sa Marso 19.

Ito ang matigas na sinabi ng ating kaibigang Atty. Vic Rodriguez, ang tagapag-salita at Chief of Staff ni BBM.

Oo! Si BBM lang sa 10 presidential aspirants ang hindi lalahok sa debate, sa kabila ng babala ng Comelec na ang sinumang presidentiables na ‘di sisipot sa event na ito ay kanilang tatanggalan ng karapatan para mangampanya pa sa social media.



Giit ni Atty. Rodriguez, mas gugustuhin nilang makasama ni BBM sa pag-iikot ang kanyang supporters kesa mag-aksaya ng oras sa debate.

Dahil dito, nag-trending na naman ang #MarcosDuwag sa social media.

Sa mga presidential debate na inorganisa ng malalaking media networks at religious groups, isa palang ang dinaluhan ni BBM, ang kay Pastol Apollo Quiboloy na kilalang supporter niya, kungsaan hindi naman dumalo ang kanyang mga katunggali na sina Leni Robredo, Isko Moreno, Manny Pacquiao at Ping Lacson.

***

Landslide ang panalo ni Bongbong Marcos Jr. sa presidential race kung mangyayari ang latest survey ng Pulse Asia na inilabas nitong Lunes.



Aba’y tumataginting na 60% ang nakuha ni BBM laban sa 15% ng pumapangalawang si Leni Robredo, sumunod sina Isko Moreno (10%), Manny Pacquiao (8%) at Ping Lacson (2%).

Pero hindi manlang nabahala o nataranta ang kampo ni Leni sa resulta ng survey. Dahil kung titingnan ang attendance ng kanilang mga rali ay ibang-iba ang mensahe nito laban sa mga rali ng BBM-Sara.

Sa survey ng Simbahang Katolika at ng mga koliheyo, si Leni ay landslide ang lamang laban kay Marcos.

Si Leni ay mababa rin ang rating nang manalong Bise Presidente noong 2016, pero tinalo niya ng halos isang milyon na lamang ng boto si BBM. Oo nga!

Maging si Pacquiao ay hindi nababahala sa kanyang mababang rating sa survey. Aniya, “Baka mga mayaman lang ang kanilang tinanong?”

Para naman kay Lacson, hindi siya naniniwala sa anumang survey. Dahil iba ang nakikita niya sa ground, sa kanyang mga rali, kesa sa sinasabi ng mga survey. Hindi rin aniya siya aatras sa laban.

Si Lacson ay natalo na sa unang pagtakbong presidente noong 2004.

***

Nasa kay Vice President Leni Robredo na nga ang momentum para sa nalalapit na Halalan 2022.

Kaya naman siya na ngayon ang tina-target ng trolls ng mga kalaban.

Hayagan narin siyang binabanatan ng mga katunggaling presidentiables.

Pilit idinidikit ang kanyang pangalan sa “komunistang grupo” ng NPA. Nakipag-alyansa na raw ito sa CPP-NPA-NDF.

Pero tinawanan lamang sila ni Leni. Hinamon pa niya ang mga ito na maglabas ng ebidensya o resibo na may kaalyado nga silang NPA o komunista sa partido. Wala!

Say ni Atty. Barry Gutierrez, nagpapanik na ang kanilang mga katunggali partikular ang BBM-Sara UniTeam kaya kung ano-ano nalang “demolition job” ang ginagawa ng mga ito.

Naniniwala ang kakampinks na mananalo si Leni ng landslide sa Mayo 9. Let’s see!!!