Advertisers

Advertisers

Pia Wurtzbach peg si Gabriela Silang sa katapangan

0 308

Advertisers

NABA-bash ang dating Ms.Universe na si Pia Wurtzbach dahil sa kanyang apela sa lahat na magparehistro ang mga ito at bumoto sa susunod na eleksyon.

Parang tinutumbok niya na dapat nang palitan ang kasalukuyang liderato ng mga karapat-dapat na opisyal na mamamahala sa bansa.

Ang kanya kasing panawagan ay ginawa sa kasagsagan ng pagpapalaya at pagbibigay ng absolute pardon sa American marine officer na si Joseph Scott Pemberton na dating naakusahan sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.



Sey pa ni Pia, wapakels na raw siya sa mga basher dahil bago pa man siya nanalong Ms.Universe ay naba-bash na siya kaya tila immune na siya sa bashing.

Hirit pa niya, kung may natutunan man siya sa kanyang mga pinagdaanan at mga karanasan, ito ay ang ipaglaban kung ano ang sa palagay niyang tama.

Sa kabila ng mga batikos, umani naman ng papuri sa ibang netizens ang beauty queen.

Kapuri-puri raw ang pagiging vocal at matapang nito na animo’y peg si Gabriela Silang.

Sa katunayan, bagay na bagay daw dito ang gumanap sa papel ng nasabing pambansang bayani.



Dagdag pa, bilang simbolo ng makabagong Pilipina, hindi lang daw ito pulos ganda kundi kabuuan ng babaeng may utak at angking tapang. (Archie Liao)