Advertisers
MAGPAPADALA ang Gymnastics Association of the Philippines ng 28 atleta sa 31st Southeast Asian Games, na nakaiskedyul simula Mayo 12 hanggang 23 sa Hanoi,Vietnam.
Pangungunahan ni world artistic champion Carlos Edriel Yulo ang Filipino gymnast na iangat ang kanilang third – place finish sa 2019 Manila SEA Games, kung saan humakot ng 3 ginto, 5 silvers at four bronzes.
Nakuha ng Malaysia ang overall title na may nine golds, three silvers at four bronzes, kasunod ang Vietnam na may six golds, two silvers at seven bronzes.
Makakasama ni Yulo sa men’s artistic squad sina Jan Gwyn Timbang, Justine Ace De Leon, Juancho Miguel Besana, John Ivan Cruz and John Matthew Vergara.
Ang women’s team ay binobuo nina Aleah Finnegan, Chiara Andrews, Ancilla Lucia Mari Manzano, Lucia Gabriel Gutierrez, Kursten Rogue Lopez at Christina Onofre Loberanes.
Sasabak sa rhythmic competition ay sina Daniela de la Pisa, Breanna Labadan, Shieldannah Sabio, Katrina Loretizo, Andrea Mae Emperado, Divina Sembrano, AJ Melgar, Jenny Marie Eusebio at Angelika Leigh Buenavidez.
Si De la Pisa, nangibabaw sa hoop event sa 2019 SEA Games, at Labadan ay kasalukuyang nasa Hungary nag te-training sa ilalim ni coach Dora Vass.