Ruffa umamin, Bistek No. 1 sa puso niya; Angel binash sa pagkumpara sa mister na si Neil kina Dingdong, Erwan at Dominic
Advertisers
Ni BETH GELENA
MAY birthday message si Angel Locsin sa mister niyang si Neil Arce na kinumpara pa niya ang asawa kina Dingdong Dantes, Erwan Heussaff at Dominic Roque.
Ang dalawang unang nabaggit ay mister nina Marian Rivera at Anne Curtis at boyfriend naman ni Bea Alonzo ang huli.
Post ni Angel: “Hindi man siya kasing galing nina @erwan @dongdantes @dominicroque mag-picture, hindi naman siya nahuhuli pagdating sa effort.
“Kaya talo man ako sa ganda ng feed nila @annnecurtis @marianrivera at @beaalonzo panalo naman ako sa pagmamahal at kasiyahan na binigay niya sakin.
“Maligayang kaarawan my love @neilarce with heart emoji mag-aral knlang mag picture sobrang perfect mo na talagà.”
Kinondena naman ng netizens ang mensahe ni Angel para sa kaarawan ng asawa.
Anila: “Nakakainsulto talaga yung i-compare ka sa iba. Sobrang pet peeve ko yan.”
Tanggol naman ng isang netizen, “Di naman serious yan te. It’s just lambing”
Pero hindi naman daw nakakatawa ang biro ng aktres.
“Loosen up folks. Anyare sa sense of humor ninyo?”
Pagkakaintindi naman ng isang netizen, “That’s how low Angel can go . And comparing her husband with Erwan ??? Ang layo! She wants her husband to be Erwan wanna be ! That’s what it is. But no can do . It shows so much insecurity on her part”
Sinabi naman daw ni Angel, “Basta may effort kahit hindi natural na magaling.”
“Hala, panalo siya “sa pagmamahal at kasiyahan,” so meaning sina Anne, Bea and Marian hindi kasing tindi yung pagmamahal sa kanila ng mga jowa nila?”
“Ganun ang intindi ko, hahaha! KARIÑO BRUTAL sa mga bffs n’ya ang tawag dyan, pero love pa rin nila ang isa’t isa.
“Kung hindi sila friends malamang may naoffend sa 2nd paragraph nya”
‘Ba’t parang nega ang post? May pagka passive aggresive ang dating. Joke nya lang cguro.”
“Siguro sa kanya joke yun pero di na dapat nag mention ng names”
“ang off ng caption niya. Di niya ma connect ng maayos. parang yung meron siya, wala yung mga naka tag.. hindi naman pinag aaralan sa school yung mga ganyan. think before you click lang or basahin ng mga 100 times bago ipost.”
“Bakit kailangang may comparison? Nagmuka tuloy silang inferior dun sa tatlong partners na binanggit niya.”
Tinag ni Angel ang mga kaibigan, pero isang intrigera ang nagtanong, “hala bakit hindi naka tag si Dimples (Romana)?”
Naku ha, wag nang palalain pa ang birthday message ni Angel para sa mahal niyang asawa @neilarce.
***
VIRAL sa social media.ang larawan na pinost ni Ruffa Gutierrez with aspiring senator former Quezon City mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista.
Nilagyan ito ng caption ng former beauty queen-actress na ayon sa netizens at celebrities ay pag-amin na sa tunay nilang relasyon ng comedian-politician.
Ang larawan ay screenshot mula sa isang video clip na ang caption ni Ruffa, “#8 sa balota, #1 sa puso ko!”
Kaya tanong ng mga netizen, confirmation daw ba iyun ni Ruffa sa relasyon nila nila ni Bistek?
Ilan sa mga nagreak na friend ni Ruffa ay sina Tina Paner, Arlene Muhlach, Tim Yap.
Halos iisa ang kanilang komento.”Yun ohhhh… Yeheeyyyy at ‘IG official na,’ sey ni Yap.
Sabi naman ng mga netizens, “Inexpect ko pa naman mga A-Lister ang maggreet kay Ruffy since A lister naman sya diba?”
“A lister says who? Baka self proclaimed A lister. Ginagaya nga niya si Kris lately sa pagiging outspoken at kaartehan. But she will never be a Kris.”
“Kelan naman naging A lister si Ruffa?”
“She’s past that etilist stage
“Sobrang ganda kaya ng aura niya these days, and ang dami niyang showbiz friends na proves na kahit she looks intimidating she’s actually a very nice person.”
“LoL!!! official na dahil top 12 na sa senate si boyfie nya!!! PINAS!! Be wise to vote pls!!!!! sana hindi porket artista govt official na dami po mas deserving”
“Kahit maging senador pa si Bistek downgrade pa rin for Rufing”
“Well, well, well… love is blind indeed! Haha!”
***
GERALD NO SHOW SA BIRTHDAY PARTY NI JULIA
INAMIN ni Julia Barretto na wala sa kanyang 25th birthday party ang boyfriend na si Gerald Anderson.
Nasa Masbate raw ang actor para sa lock in taping nila ng A Family Affair with Ivana Alawi, Sam Milby at Jake Ejercito.
Darating na raw anytime ang boyftiend sa Manila kaya naman looking forward na ang young actress sa magaganap na post-birthday celebration niya this week.
“He’s coming home na. We’ll probably do a little get-together and have a nice dinner with our friends when he gets back. Maybe just a nice dinner,” ani Julia sa isang panayam.
Natanong din siya sa kontrobersyal na sexy birthday pictorial niya na halos silver glitter lang ang nakatakip sa kanyang private parts.
“I’ll just have to give credit to my entire team. Ang nakaisip talaga nu’ng lahat ng yun is my photographer and good friend BJ Pascual na last minute lang namin yun na-produce.
“He directed everything. My makeup artist, my hairstylist, my stylist, sila lahat ang nag-collaborate for that and kumbaga parang bigla lang nila akong naging doll doon. Game naman ako sa kahit ano. I’m glad you guys liked it,” esplika ni Julia.
Samantala, sunud-synod na project ang ginagawa ni Julia.
May latest movie siya under VIVA TV at Project 8 Projects, ang The Seniors na pinagsasamahan nila nina Ella Cruz, Andrea Babierra at Awra Briguela.