Advertisers

Advertisers

Ilegal na pasugalan ni Popoy sa Caloocan, tambayan ng mga adik at solidong supporter ni Sta. Maria Bulacan Mayor Russel Pleyto si illegal gambling quee” Jessica

0 500

Advertisers

TUMIGIL ang iligal na pasugalan ng isang alyas “Marissa” sa Monumento, Caloocan City dahil lugi daw siya.

Ayon sa impormante ng BIGWAS!, kahit matao at maraming mananaya ng drop-ball at color game ni alyas Marissa sa Monumento ay hindi umano nito kaya ang lingguhang tara ng ‘kinauukulan’ sa administrasyon ni Caloocan Mayor Oscar “Oca” Malapitan dahil masyadong malakihan.

Pokaragat na ‘yan!



Nabatid din ng BIGWAS! na masiba rin ang pulis ng Caloocan, sapagkat malaki rin ang hinihinging lingguhang tara na akala mo’y kandidato sa eleksyon ang opisyal ng lokal pulisya.

Idiniin ng impormante na masiba sa pera ang nagpapakilalang “kolektor” ng hepe ng Philippine National Police (PNP) sa Caloocan na si Colonel
Samuel Mina Jr.

Pokaragat na ‘yan!

Maraming nakakaalam na matino at mabait na opisyal si Mina, kaya siraulo ang taong nagpakilalang ‘bataan’ at ‘kolektor’ ni Colonel Mina kay alyas Marissa.

Sa madaling salita, tiklop si Marissa na kilalang malakas sa pamahalaang lokal ng Maynila.



Subalit, natuklasan ng BIGWAS! na si slyas Marissa lang nang umayaw sa hirit ng kolektor umano ni Mina.

Nakarating sa BIGWAS! na nagpatuloy ang iligal na pasugalan ni alyas “Ely” sa Caloocan City.

Ang pa-color game at padrop- ball ni alyas Ely kung saan ang bantay o tinatawag na poste ay si alyas Popoy ay lantaran at garapalang namamayagpag sa Malaria, Caloocan.

Sabi ng impormanteng kadikit ni alyas Popoy, hindi bababa sa P50,000 gabi-gabi ang pumapasok na pera kay Popoy.

Kayang, sobrang ligaya ni alyas Ely.

Tiniyak sa BIGWAS! na naibigay nina alyas Ely at alyas Popoy ng hininging padulas at lingguhang tara ng nagpakilalang kolektor ni ColonelMina dahil hinayaan umano ng tanggapan ng huli na maging “tambayan” ng mga adik sa shabu ang puwesto nina alyas Ely at alyas Popoy sa Malaria.

Pokaragat na ‘yan!

Masyadong matunog ang pangalan ni alyas “Jessica” ngayon sa Sta. Maria, Bulacan dahil “solidong supporter” daw siya ni Mayor Russel Pleyton.

Itong si alyas Jessica ay bantog na “illegal gambling queen” dahil mistulang “mini – casino” ang kanyang drop-ball at color game na nakapuwesto sa Sta. Maria.

Ang iligal na pasugalan ni alyas Jessica ay makikita sa Malibong Matanda na ang poste ay si alyas “Fred”.

Banggit ng impormante ng BIGWAS!, masyadong mayabang daw itong si alyas Fred dahil iniyqyabang nito na ang amo niyang si Jessica ay napakalakas kay Mayor Pleyton , sapagkat ‘solidong’ tagasuporta ni Pleyto si alyas Jessica.

Palaging ipinakalat at ipinamumukha ni alyas sa mga pulis at opisyal ng barangay na ‘malakas’ ang ‘kapit’ ni alyas Jessica sa administrasyon ni Mayor Russel Pleyton.

Iba ang drop -ball at color game ni alyas “Bondying” sa Batang Sili, Bulacan.

Matindi rin ang iligal na pasugalan ni alyas Bondying.