Advertisers

Advertisers

Bilang ng doktor sa bawat Pinoy, padadamihin ni Isko ‘pag naging Pangulo

0 245

Advertisers

PADADAMIHIN ni Aksyon Demokratiko at Manila Mayor Isko Moreno ang bilang ng mga doktor sa bawat Filipino kapag siya ang nahalal na bagong Pangulo ng bansa.

Ayon kay Moreno, plano niyang magbigay ng scholarships sa 10,000 medical students kada taon at tataasan niya rin ang sahod ng mga nurses at iba pang healthcare workers.

Ang pagpapaunlad ng healthcare system ng bansa ang pangunahing laman ng Ten-Point Agenda ni Moreno at sinabi nito na ang bilang ng mga doctors at nurses ay pantay na ipapakalat sa buong bansa upang magkaroon ng mabuti at sapat na health care ang mga Filipino.



“Health is a priority among the 10 pillars of the Bilis Kilos Economic Agenda. To improve the country’s health care system, we will build more public hospitals and health care centers throughout the country,” sabi ni Moreno.

Nauna dito ay inanunsyo na ni Moreno na target niyang maglaan ng karagdagang 107,000 hospital beds sa kanyang unang 1,000 araw sa tanggapan bilang Pangulo.

Binigyang diin ni Moreno na nasa kanya sina Dr. Willie Ong bilang runningmate at Dr. Carl Balita, na isang registered nurse, bilang isa sa kanyang senatorial candidates, dahil nais niyang matutukan ang aspetong pangkalusugan ng gobyerno ng maayos at epektibo.

Sinabi ng alkalde na ang pagkakaroon ng doktor sa kanyang administrasyon ay napatunayan ng epektibo, gaya ng kanyang pakikipagtrabaho kay Vice Mayor Honey Lacuna na isang mahusay na doktor.

Ayon pa kay Moreno, ang kahusayan ni Lacuna bilang doktor ay napakalaki ng naitulong lalo na sa pakikipagharap ng pamahalaang lungsod sa pandemya.



Kapag naaalagaan at naasikaso ng kanyang mga magpagkakatiwalaang tauhan ang aspeto ng kalusugan, sinabi ni Moreno na mahaharap at mabibigyang focus naman niya ang katulad din na mahahalagang aspeto ng pamamahala tulad ng pagkakaloob ng kabuhayan sa mga Filipino na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. (ANDI GARCIA)