Advertisers

Advertisers

Shabu pills na 1 linggong ‘dilat’ nasabat

0 363

Advertisers

Nabisto ang isang bago at kakaibang droga nang mahuling ang isang chinese national sa Makati City.

Inaresto ng mga tauhan ng NBI Special Action Unit (SAU) si alyas Lao Lee sa SUV na pinagganapan ng transaksyon sa Abaca St., Barangay Poblacion Marso 11.

Sa ulat, nabisto ang tinatawag na “shabu pills” ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) sa isang dayuhang itinago pa ito sa kanyang face mask.



Umabot sa 56 piraso ng shabu pills ang nasabat sa suspek.

Ayon sa NBI, aabot ang presyo nito sa P2,500 hanggang P5,000 kada piraso.
Bukod sa droga, nasamsaman din ang suspek ng baril.

Sa imbestigasyon ng NBI, napakadelikado ng nasabing droga dahil kaya raw nito makapagmulat ng isang linggo at may sangkap ito na pampalakas ng kabayo at elepante.

“As far as the NBI is concern first time sa bureau na naka-seize ng ganitong klaseng droga. Nakita dito sa laboratory exam result na mayroong methamphetamine hydrochloride, caffeine and ethyl vanillin,” ani Atty. Kristine Dela Cruz, Executive Officer ng NBI-SAU.

“Napaka-potent nito na kapag na-take ang isang tao hindi siya makakatulog ng isang linggo,” paglalarawan pa ni Dela Cruz sa epekto ng shabu pill.



Ayon kay NBI Director Eric Distor, na maaaring mga empleyado ng POGO at mga dayuhang sex workers ang mga parokyano ng bagong droga.