Advertisers

Advertisers

Julia type magkaroon ng college diploma; Albie nasaktan sa plaster na inilagay sa ‘private part’ sa sexy film

0 388

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAGBIGAY payo si Julia Barretto sa mga nag-aaral ngayon sa kolehiyo.
Push nga raw nila at huwag lagyan ng tear gap.
Dahil ‘pag nahinto na nga raw ay dire-diretso na ito kaya magtuluy-tuloy lang sa pag-aaral ang mga estudyante na nasa kolehiyo.
High school graduate lang si Julia nung second year na ito sa high school at nagwo-work na sa showbiz.
Tanging hiling ng kanyang Mommy Marjorie Barretto na kung gusto nito mag-full blast ay tapusin nito ang pag-aaral sa high school.
Tinupad nga ni Julia na tapusin ang sekondarya.
Pero nung masumpungan nito na magbalik study sa kolehiyo ay ‘di na umubra dahil sa nagkasunud-sunod na projects nito.
Inggit nga si Julia sa mga student na nasa colege at gusto rin anya niya maranasan ang college life.
Kung bibigyan naman ito ng pagkakataon ay gusto nito na magbalik-aral.
Dream naman kasi ng aktres na magkaroon ng college diploma.
***
KAHIT si Albie Casino ay wala na rin kiyeme na nagpakita ng puwet sa latest nitong project.
Bago sa sex scene at bagito rin ang kanyang leading lady sa nasabing proyekto.
First time nga lang sumalang sa ganitong klaseng scene si Albie.
Kaya naman ‘di maiiwasan ang ilang factor lalo na’t bagito lang din siya na magpapaka daring sa bago nitong raket.
Kaya nang gumiling na nga raw ang camera ay super project at emote ang aktor at bagitong kapareha nito.
Ewan lang natin kung maulit pa ang pagpapakita nito ng behind.
Umangal kasi ang aktor as in umaray at nasaktan ito sa nilagay na plaster sa kanyang private part.
As in maraming plaster ang nilagay dahil sa laki ng kargada ni Albie kaya nang matapos na ang sex scene ay aray ito nang aray sa pagtanggal ng plaster na dumikit din sa kanyang pubic hair.
Well, well, well…’Yun na!