Advertisers
Ni BETH GELENA
KAYA raw pala biglang umalis si Kiko Estrada sa Darna: The TV Series dahil naliliitan umano ang aktor sa kanyang role.
Hindi raw inalis si Kiko sa naturang serye.
Ang aktor umano ang agad na nag-resign at hindi na rin nag-report.
Nakailang eksena na raw si Kiko kaya agad na naghanap ng makakapalit ang management.
Si Paulo Gumabao ang pumalit sa role na nilayasan ni Kiko.
Sabi nga ng netizens, “naliliitan pa ba si Kiko sa role e siya ang ka love triangle ni Joshua Garcia kay Jane de Leon bilang si Darna o Narda.”
“Choosy pa ba siya? o talagang may attitude?”
Ayon naman kay Ogie Diaz sa Showbiz Update Channel nila ni Mama Loi, dinelete na raw ni Kiko ang lahat ng uploadad post niya sa social media, pero naroroon pa rin naman daw ang number of viewers nito.
Aniya pa, mukhang stop muna sa social media ang actor na nabanggit naman daw nito nu’ng mainterbyu niya nang maghiwalay sila ni Heaven Peralejo.
***
ISA rin sa mean questions na nabasa ni Bea Alonzo sa kayang vlog ay boring umano siya bilang girlfriend.
Masyado rsw kasi siyang perfectionist, ayon sa mga Marites kaya iniiwan ng mga karelasyon.
May nag-comment kasing “parang perfectionist” ang aktres pagdating sa mga nakarelasyon.
Sinagot ni Bea ang komento ng netizens.
“I am not a perfectionist. In fact, I, myself, am not perfect and nobody is perfect, and I don’t strive to be one, nakakapagod siguro yun.
“But I strive to have a comfortable and honest relationship. So, hindi ako perfectionist,” sey niya.
Noon daw ay totoong idealistic siya pagdating sa pakikipagrelasyon pero may natutunan daw siya sa kanyang past relationship.
“Dati, idealistic ako, I have to admit.
“Natutunan ko na ang beauty ng compromise and, sa totoo lang, napasama nga ako dahil I compromised so much in the past, so dapat may boundaries,” lahad ng aktres.
Sambit naman ng netizen, mahilig daw kasi si Bea na sinasakyan ang hobby ng mga naging boyfriend.
“Wehhh kung anong hilig ng mga jowa mo @beaalonzo hinihilig rin. Seasonal ang hilig walang originality, pag mag break ayaw na rin tpos next hilig ng jowa ganun ulit.”
Sey ni Bea, “Ugh, galit na galit siya.”
Nagpaliwanag naman siya, “Well, totoo naman, kung ano yung hilig ng dyowa ko nagiging hilig ko rin.
“Parang gusto kong pasukin yung mundo niya so that I can understand him.
“Like, dati meron akong naging boyfriend, mahilig sa golf, so nag-golf din ako. Meron naman mahilig sa exercise so I got into fitness. (itago natin siya sa initial na ZM at GA).
“Ngayon, hindi pa naman ako nagmu-motor, mahilig mag-motor si Dom.
“Pero, I don’t think there’s anything wrong with it. Siguro, hindi niyo lang nakikita na meron din ako na mga hilig or hobbies na nagugustuhan din ng boyfriends ko.
Eto pa ang isang koment:
“Parang ang boring maging jowa ni Bea.”
Hirit ni Bea, “Tanong natin kay Dom! Parang okay naman siya, happy naman siya.”