Advertisers

Advertisers

MAYNILA BIBILI NG STARLINK SATELLITE

0 434

Advertisers

WALA nang dead spot, kahit may bagyo, may magagamit na telepono at makagagamit ng internet, kung may makukuhang serbisyo ng Starlink satellite na pag-aari ng bilyonaryong sI Elon Musk ng US. 

 

 



Ito ang posibleng mangyari sa Maynila ngayon na pinayagan ng Manila City Council si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na makipag-usap at bumili ng serbisyo ng Starlink low-orbit satellite, ayon sa inaprubahang Resolution No. 46. 

 

Masayang ibinalita ito ni Yorme Isko sa isang town hall meeting sa kampanya ng Aksyon Demokratiko sa Kabankalan City, Negros Occidental, Huwebes, Marso 17. 

 

Batay sa resolusyon na iniakda nina Majority Floor Leader Joel Chua, 2nddistrict councilor Macario Lacson,President Pro Tempore at acting Presiding Officer Ernesto Isip Jr. inaatasan si Yorme Isko – kanididatong presidente ng Aksyon Demokratiko na makipag-usap at makipagkontrata sa SpaceX Enterprise na marketing arm ng Elon Musk Starlink. 

 

Hopefully, may awa ang Diyos, puwede tayong gumamit ng Starlink sa buong bansa pag tayo naging pangulo sa Mayo,” sabi ni Isko

 

Kilala sa buong mundo ang Starlink na pinakamahusay sa serbisyo sa larangan ng broadband at internet connectivity at kasalukuyan, mayroon itong 1,700 satellite sa kalawakan. 

 



“Malaking tulong kay Elon Musk dahil may signal ito kahit may bagyo at lindol, may magagamit na telepono, mga electronic gadgets, kaya makakikilos tayo sa panahon ng kalamidad,” sabi ni Yorme Isko

 

Lahat ng transaksiyon sa city hall ay mapapadali at hindi na maaabala ang pag-aaral ng mga bata sa publikong paaralan ng Maynila kung may nakakabit nang Starlink low orbit satellite.