Advertisers

Advertisers

Ping umamin, madalas rumampa nung nasa PMA pa

0 262

Advertisers

MASAYA ang kwentuhan nina Iwa Moto at Ciara Sotto sa presidential aspirant na si Ping Lacson na sumailalim sa Thumbs Up or Down challenge.
Natanong si Ping kung nahuli na raw ba ito sa paglabag sa batas trapiko.
Aminado naman ang presidentiable na guilty siya sa aspetong ito kaya thumbs up ang kanyang isinagot.
Nang masita raw siya ng traffic enforcer, naibida raw sa kanya na nahuli rin sa traffic violation ang kaalyado nitong si Tito Sotto.
Inamin din si Ping na nasangkot na rin daw siya sa rambulan noong kanyang kabataan.
Kumbaga, bahagi lang daw ito ng kanyang kapusukan noong nag-aaral pa.
Ibinahagi rin niyang nakapag-cross dress na siya o nakapagdamit ng pambabae noong nasa PMA pa raw.
Sila raw ng ka-batchmate na si Gringo Honasan ang madalas na nauudyukan na sumali sa ganitong mga event o rampahan noong nag-aaral pa sila sa akademya.
Tsinika rin niya na nakaranas na siya ng matinding sports injury noon.
Boxer daw siya noon sa PMA at minsan nang napuruhan.
Katunayan, dahil daw sa kanyang natamong injury ay na-technical knock out daw siya noon.
Dagdag pa ni Ping, never din daw siyang sumubok ng illegal na droga lalo pa’t naging crime buster siya. (BKC)