Advertisers
MERALCO ang nagwagi sa PBA 3 on 3 Conference 2 kontra sa Limitless App. Mas paborito ang katunggali pero sinunod ng Bolts ang diskarte ni Coach Patrick Fran kaya na-deny nila ang Appmasters ng 2nd straight title.
Mahawa kaya nila ng suwerte ang mga bata ni Coach Norman Black na nasa semis na ngayon. Haharapin nila ang Magnolia.
Panahon na nga ba ng tagapamahagi ng kuryente? Hudyat na ba ito na oras na nila? Maka-isa na kaya ng korona sina Black at Bolts?
Ang dalawang pairing ay RSA vs MVP teams. Bukod sa Meralco- Magnolia ay magtutuos din ang NLEX-Ginebra.Matira matibay.
***
Ayon sa panganay ni Tata Selo si Jr na sa Bicutan na naninirahan ngayon ay nakadaupang palad niya noong isang umaga si Jackson Corpuz ng Magnolia. Pareho raw silang bumibili ng tinapay sa Rene’s sa Saudi Arabia St sa loob ng Better Living Subdivision. Nakalumang uniporme raw ng Hotshots ang 6-4 na forward.
Mabili at nakapila mga suki ng tindahan kasi masarap ang hot pandesal nila.
Kakapirma lang ng dalawang taong kontrata noong Disyembre 2021 ng mga magmamanok ang produkto ng PCU.
May average na 4.18 na puntos at 1.64 na rebounds ang tubong-Ilagan, Isabela.
Noon naman daw isang beses namataan niya at nakausap sandali sa may trike station ang former SMB player na si Elmer Reyes. Doon din pala sa BLS nakatira ang PBA legend.
***
Lalong lumala ang sigalot ng Philippine Olympic Committee at Philippine Athletics Track & Field Association nang sinuspindi ng una ang pnagalawa. Bunga ito ng kontrobersya na sangkot si EJ Obienna.
Wala na pinakinggan pa ang magkabilang panig na sumubok mamagitan sa kanila.
Eka nga ni Ka Berong ay lumaki ang isyu dahil matitigas ang puso ng mga tao. Inuna ang mga ego bago ang kapakanan ng buong bansa.