Advertisers

Advertisers

Carla dinenay na P2-M binebenta ang condo, Ogie na-bash

0 410

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA pamamagitanan ng kanyang Instagram account ay in-announce ni Angelica Panganiban na buntis na siya, na siyempre ang ama ay ang foreign boyfriend niya na si Gregg Homan.
Dito ay nag-upload siya ng pictures at videos ng kanyang sonogram, at ang caption niya rito ay,”Ay! Na post!! [pregnant emoji] Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako. [emojis]
“Opo, may matres ako mga baklaaah! [emojis]
“Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu [emoji] may pamilya na ko [emoji] kaiyak pramis [emojis].”
Sa comment section, bumaha ng pagbati mula sa mga kaibigan ni Angelica sa showbiz, sa nalalapit na niyang pagiging isa nang ganap na ina.
Sabi ni Marian Rivera,””Awww [heart eyes emoji] congratulations.”
“Waaaaaahhhh miss angge congratulations! [heart eyes emojis],” sabi naman ni Janine Gutierrez.
Happy din si Maxene Magalona sa couple at ang sabi niya,”I LOVE YOU SIZZZY @iamangelicap [emojis] You deserve all the happiness in the Universe! [emoji] Congratulations to you and @gregg_homan! [emoji].”
Congratulations Angelica!
***
HUMINGI ng dispensa si Ogie Diaz kay Carla Abellana. Ito ay matapos na ibalita niya sa kanilang “Showbiz Update” vlog ni Mama Loi na ibinebenta ni Carla sa halagang P2 million ang kanyang condo unit sa The Grove.
Ayon sa aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram story ay mali ang pahayag nina Ogie at nilinaw na ang dalawang milyong sinasabi ay ang kabuuang bawas o “slashed” amount mula sa orihinal nitong presyo.
“Bina-bash tayo ngayon dahil mali daw… Pina-fact check tayo doon sa condo ni Carla Abellana. Mali daw ‘yung ating impormasyon na P2 million niya lang ibinebenta,” sabi ni Ogie sa vlog din nila ni Mama Loi.
“Pasensya na, nagkamali lang kami. Alam naman namin ang ‘slashed’… Pasensya na, tao lang,” dagdag pa ni Ogie.
At least, si Ogie marunong tumanggap ng pagkakamali ‘di ba?