Advertisers
Ni JOVI LLOZA
AFTER a year ng relationship sa non-showbiz bf na si Gregg Homan ay si Angelica Panganiban ang nag-post at nag-anunsiyo na siya ay preggy na.
Mula sa pregnancy test at sonogram ay ipinost ito ng aktres kasama ang dyowang si Gregg.
Nag-thank you naman si Angelica sa mga kapamilya, kaibigan at mga Maritess na nagdasal na magkaroon na sila ng supling.
Nagbunga na nga raw ang kanilang prayers at dininig ng nasa Itaas.
Kaya proud si Angelica at nagbiro pa ito sa kanyang socmed na ‘mga bakla may matres ako at may laman na ang aking sinapupunan.’
At very happy si Angelica dahil ang pinakahihintay nitong gampanan, ang pagiging nanay sa tunay na buhay ay magkakaroon na ng kaganapan.
Daig pa nga raw nito ang tumama ng jackpot sa lotto at itinuring ni Angelica na big blessing ang pagkakaroon na nila ng supling ni Gregg.
***
LAST year, November pa raw nangyari ang isang Tiktok video na ini-upload ng user na si Melissa.
Isang bartender at cashier si Melissa sa isang bar sa La Union at may kasamahan daw si Melissa na kaibigan ni Jericho Rosales.
Nung gabing-gabi na ay solo lang si Melissa sa bar at tiyempo na madaming tao at nagkataong nandun si Jericho.
Sa dami ng order dumagsa ang baso at mga pinggan, plato at mangkok.
Kaya nang time na magsasara na si Melissa ay ‘di pa raw ito puwede humingi at need pa na magligpit at maghugas.
Tumayo si Echo at nagtungo ng kusina, akala ni Melissa ay ang kanya lang ginamit ang huhugasan nito.
Hinugasan na rin daw nito ang mga pinggan at baso kaya naman sa caption nito sa Tiktok ay sinabi nitong si Echo lang ang sakalam habang nakikitang naghuhugas sa isang bar sa La Union.
Labis naman ang hiya ni Melissa at inako na nito ang paghuhugas pero nagpilit daw si Echo na siya na lang ang gagawa.
Umani ng maraming papuri si Echo mula sa mga netizen sa bidyo na naging dishwasher ito.
Well, well, well…’Yun na!