Advertisers

Advertisers

RED TAGGING GAMIT NG CPP-NPA-NDF PARA IKUBLI MGA KAALYADONG PARTYLIST

0 382

Advertisers

ISANG kasusuko lang na lider ng New People’s Army ang nagbunyag nitong Lunes na ang “red tagging” ay salitang ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang nagpa-uso upang protektahan ang mga “legal fronts” na miyembro din nito gaya ng mga Partylist na Kabataan, Anak Bayan, Bayan Muna, Gabriela, Karapatan at Act-Teachers.

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) isiniwalat ni Cristoni “Jong” Monzon aka Ka-Franco, na ang salitang “red tagging” ay ginagamit lamang para itago ang katotohanan na ang mga partylist na nabanggit ay talagang may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF.

“Red tagging is a word used by the communist group to cover and protect its legal fronts which the Commission on Election has unwittingly accredited via the party-list system. We can see them in Congress,” ang sabi ni Monzon sa magkahalong wika na English at Tagalog.



Si Monzon ay dating isang political instructor ng CPP-NPA-NDF, Regional Operations Command, ng Southern Mindanao Regional Committee. Na-recruit si Monzon noong siya’y menor de edad pa lamang at nag-aaral ng Civil Engineering sa University of Mindanao, sa Davao City. Labing-tatlong taon siya namalagi sa poder ng kilusan ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA- NDF.

Ang kanyang mga naranasan at mga nakita sa CPP-NPA-NDF, aniya ay sapat ng patunay sa kanyang mga sinasabi. Noong mga panahon din iyon, napatay ang kanyang ama, at itinanim sa kanyang isipan ng kanyang mga kasamang aktibista, militar ang pumatay sa kanyang ama.

Dito siya napasok bilang volunteer sa Karapatan kaya’t nagbabala siya sa mga kabataan at mga mg-aaral na suriing maigi ang mga sasalihang mga samahan. Dahil totoo raw na ang Kabataan, Anak Bayan, Bayan Muna, Gabriela, Karapatan at Act-Teachers ay bahagi ng CPP-NPA-NDF bilang mga ‘legal front’ nito.

Paglalahad pa ni Monzon naging volunteer din siya ng kaalyadong organisasyon ng Karapatan na Hustisya, dahil na rin sa nais niyang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama. Dito rin siya na-recruit bilang kasapi ng Anak Bayan at naging batang lider at taga-pagsalita. At kalaunan, ay kasapi na ng underground movement na Kabataang Makabayan.

“Kukunin ang emotion mo. At dahil nga sa pagkamatay ng aking ama, curious na ako sa lahat na ng issues. To be more active because agitated na and was told to recruit students to upsurge the movement,” paliwanag niya.



Naatasan din siya na magturo sa mga kanayunan at naging secretary-general ng “Pasakaday Salugpongan Kalimodan” (PASAKA), ang front ng CPP-NPA-NDF na ginagamit ang mga katutubo o Indigenous Peoples (IPs) kapalit umano ang libreng edukasyon.

“Gamit ang IPs upang palabasin na masama ang mga militar at maitaboy ito sa mga kanayunan,. Gamit din ang mga IPs sa panghihingi ng mga donasyon sa abroad’ paliwanag pa ni Monzon.

Dito naglabasan ang mga warrant laban kay Monzon na napilitan ng magtago sa kabundukan at naging NPA fighter na. Subalit di niya makayanan ang ganung buhay kaya siya at dalawa pang IP ay tumakas at sumuko na sa mga militar.

“Hindi naman pala totoo ang sinasabi nila sa kin na berdugo ang mga militar, in fact approachable sila. Nagpapasalamat ako sa binigay ng mga sundalo sa akin na second chance,’ ang sabi pa ni Monzon.