Advertisers

Advertisers

Melissa Mendez excited na muling makatrabaho si Direk Joel Lamangan

0 372

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

MAY bagong pelikulang ginagawa ang veteran actress na si Melissa Mendez. Ito’y pinamagatang Biyak na tinatampukan nina Angelica Cervantes, Albie Casiño, Quinn Carrillo, at Vance Larena.
Kasama rin sa pelikula sina Jim Pebanco at Maureen Mauricio.
Pinamamahalaan ni Direk Joel Lamangan at isinulat ni Troy Espiritu, ito’y mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo.
Sa ginanap na story conference nito, inusisa ang aktres kung ano’ng ine-expect niya sa apat na bida sa pelikulang Biyak?
Tugon ni Ms. Melissa, “I’m sure naman na magagaling ang mga batang ito, specially na magwo-work sila under sa Best Director natin na si Joel Lamangan.
“Matagal ko nang hindi nakakasama si Direk Joel, kaya talagang excited na excited ako na nandito ako ngayon at kasama ko ang one of the best directors natin ngayon.”
Bakit bihira siyang gumawa ng pelikula ngayon?
“Lately, puro TV ang pinagkakaabalahan ko. Mas doon ako nalinya.
“Pero actuall,y may ginawa ako sa Regal na pelikula ngayon, ang title ay Cheat Day… Ito ay directed by Joey Reyes, na ang bida ay sina Alexa Miro at Derrick Monasterio,” wika pa niya.
Nang makapanayam namin ang aktres after ng story conference, tinanong namin siya kung kailan ang last time na nakatrabaho niya si Direk Joel?
“Twenty years na yata since last time na nakasama ko si direk Joel and masasabi ko talaga na excited ako at the same time, kinakabahan,” nakangiting wika pa niya.
Paano niya ide-describe si Direk Joel bilang direktor?
Aniya, “Mahusay na director si direk Joel. Masaya siyang kasama, pero pagdating sa trabaho, kailangan na ready for take ka na kapag dumating sa set.”
Sa pelikulang Biyak, si Ms. Melissa ay gumaganap bilang si Dina. Siya ang faithful na asawa ni Tony (Jim) na lagi niyang sinusuportahan, kahit sa anumang sitwasyon, kahit pa maituturing siyang isang battered wife.
Pero ang mga bagay na ito ay dadaan sa matinding pagsubok, kapag nalaman ni Dina (Melissa) ang sexual advancement na ginagawa ng kanyang mister sa kanilang foster daughter na si Violet, played by Angelica.