Advertisers

Advertisers

Ryan inamin, natorpe kay Yeng kaya huminto sa pagligaw

0 345

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA latest vlog ni Ryan Bang, naging panauhin niya ang acoustic singer na si Yeng Constantino na minsang na-link sa kanya.
Sa nasabing guesting niya sa YouTube channel ng It’s Showtime host, kasama ni Yeng ang kanyang musikerong singer na si Victor Asuncion na siya ring worship director ng Victory Christian Fellowship.
Hirit ng Korean actor, dahil marami raw ang nag-request kaya pinagbigyan niya ang kanyang followers na maka-collab si Yeng.
Ani Ryan, tila naiilang daw siya sa mister ni Yeng lalo na at napag-uusapan ang tungkol sa nakaraan nila ni Yeng.
Isa sa kanilang napag-usapan ay ang pangyayari noong 2010 sa naudlot na panliligaw ni Ryan.
Nabuking din na si Jason Francisco, ang asawa ni Melai Cantiveros, ang kasama noon ni Ryan tuwing manliligaw ito kay Yeng.
Lingid sa kaalaman ni Ryan, kinikilig na rin sa kanya noon si Yeng.
Pero inakala raw ng Koreanong komedyante na wala namang gusto sa kanya si Yeng dahil hindi umano ito sumasama sa kanya tuwing niyayaya niyang lumabas sila para gumimik.
Hirit naman ng ilang kibitzers, natyope raw si Ryan kaya hindi na nito pinursue ang panliligaw kay Yeng.
Sa pagbabalik-tanaw naman ni Yeng, nagulat na lang umano siya na bigla na lang tumigil sa panliligaw sa kanya si Ryan.
Ayon naman kay Ryan, nagtangka raw siyang kontakin noon si Yeng dahil may mga kakilala siyang gustong kunin ang serbisyo nito bilang singer pero naudlot daw ito nang mawalan sila ng komunikasyon.
Sa kanila ring tsikahan with matching mukbang, tawang-tawa lang ang mister ni Yeng habang pinanoood ang dalawa na close friends na ngayon.
Kwento naman ni Yeng, hindi raw nagje-jelling ang kanyang asawa kay Ryan.
Katunayan, halos hindi nagagalit ang kanyang mister at mabibilang niya lamang sa daliri ang mga pagkakataong nakita niya itong nagalit.