Advertisers
INAANYAYAHAN ang lahat na mga Manilenyo na magsama-sama para sa gaganapin ‘Proclamation Rally’ ng Tunay na Ama ng Maynila Mayor Amado Bagatsing na gaganapin sa Dagonoy Public Market, Onyx Street, District 5 ngayong Biyernes, March 25, 2022.
Inaasahang dadalo si Vice Presidential bet Sara Duterte-Carpio sa opisyal na pagproproklama ni Amado Bagatsing bilang kandidatong Alkalde ng Maynila para sa darating na May 9 elections.
Bukod kay Inday Sara, posible rin dumating sina Senator Win Gatchialian, Rep. Rodante Marcoleta, PDP-Laban wing Energy Secretary Alfonso Cusi , dating PNP Chief Guillermo Eleazar, iba pang kinatawan ng Kongreso at konsehal ng lungsod ng Maynila.
Matatandaan na itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kamay ni Bagatsing kamakailan bilang pag-eendorso Mayoralty candidate ng Maynila.
Ipinagmalaki ni Bagatsing, na matagal na siyang may handog sa mga Manilenyo, simula pa ng maging congressman ng ilang taon sa pamamagitan ng mga batas na nakakabenipisyo na ngayon sa mga kabahayan tulad ng PAG-IBIG law na naging batas noong 1995.
Matagal na rin ang kanyang non-stock non-profit na KABAKA at ngayon isa na itong partylist.
Marami na rin siyang naging programa na mula sa pagsilang pa lang ng isang Manilenyo hanggang sa huling hantungan nito meron na silang inilaan dito.
Kumpleto rin ang libre nilang medical examination na plano rin nilang ilagay sa bawat barangay sa Maynila kung sakaling palarin siyang sumunod na alkalde ng lungsod.
Dagdag pa ni Bagatsing na wala pa ang Tesda matagal na silang may training center.
Sinabi pa ni Bagatsing na nais niyang alagaan ang kalusugan ng bawat Manilenyo. Aniya, kapag meron malusog na pangangatawan ang bawat isa maayos na makapag-iisip, makakapagtrabaho at magiging maayos ang kanilang mga pamumuhay.