Advertisers
Ni WALLY PERALTA
TILA dumaraan ngayon sa matinding pagsubok ang Kapuso Hunk actor na si Ruru Madrid para sa isang project na malapit sa kanyang puso, ang “Lolong” na maituturing ng aktor na launching teleserye niya.
Noong na-conceptualize ang project ay super happy si Ruru pero habang nasa taping ay nalagay sa pandemya ang buong mundo kaya nahinto ang galawan sa showbiz.
Halos ma-depress si Ruru sa kakaisip kung matutuloy pa ba ang kanyang serye lalo na inaabot na ito ng taon na wala pang balita mula sa management. At nang matuloy naman via lock-in taping ay muli itong nahinto sa pagpasok ng Omicron at nalagay sa alert 4 ang bansa.
Ngayong natuloy na ulit ay ‘nadisgrasya’ naman si Ruru. Say ng aktor, na-out balance siya sa ginawa niyang stunt kaya nagka-fracture ang kanan niyang paa.
“Medyo nag-alangan ako kasi parang gusto ko pang i-perfect ‘yung scene. Medyo nakulangan sa taas ng talon ko so sabi ko, ‘In this take, tataasan ko na siya. Habang ginagawa ko siya, nagulat ako do’n sa sarili ko na gano’n kataas ‘yung take off ko kaya pagbagsak ko, unexpected nabigla kong na-twist ‘yung right foot. Di ko kayang tumayo dahil sa sobrang sakit,” say ni Ruru.
Sa kasalukuyan ay back to taping na ulit si Ruru, as in laban lang hanggang sa matapos niya ang ‘Lolong’.
“The comeback is always stronger than the setback,” dagdag pang say ni Ruru.
***
DALAWA sa pinakasikat na sexy stars ng Vivamax na sina AJ Raval at Cindy Miranda ay nagsanib puwersa para sa isang Original series na dinerehe ni Roman Perez, Jr, ang “Iskandalo” na magsisimula nang mag-stream sa April 10 at tuwing Linggo for 10 Sundays.
Paseksihan at pagalingan sa mga eksenang maaksyon ang dalawang sexy star, na ginampanan ni Cindy ang papel ng isang detective, samantalang si AJ ay isang social media celebrity na na-bash nang husto dahil sa isang sex video na ini-upload ng isang misteryosong lalake, ang nag-viral.
Dito na nga tumakbo ang istorya na na-involved si Cindy sa kaso ni AJ.
Say pa rin ni Cindy, sobrang napiga ang kanyang acting skill sa nasabing series.
“You’ll see me here in another light, dahil hindi puro paghuhubad ang ginawa ko. I’m happy sa ginawa ko sa series na ito, I play a character that really challenged me as an actress,” say ni Cindy.
Sa totoong buhay kaya ay nagkaroon na rin si Cindy ng isang sex video scandal?
“No, I’m thankful hindi pa ako naiskandalo sa totoong buhay. Maingat na maingat ako sa ganyang mga bagay kasi ang mga tao iba-iba ang isip. Dapat alagaan natin ang sarili natin para maiwasan yan lalo na ang mga babae,” dagdag ni Cindy.