Advertisers
Ni JOVI LLOZA
IBINIDA ni Barbie Forteza na marunong na siyang mag-drive ng sariling sasakyan.
Never na nagpatumpik-tumpik si Barbie at nag-enroll na agad sa isang driving school.
Ngayon nga raw na marunong na mag-drive, may feeling itong she’s going mature, old at independent.
Hindi na nga raw niya maistorbo ang daddy niya na lagi siyang pinagda-drive.
At ngayon daw marunong na ito ay nangangapa pa rin si Barbie na kailangan maging maingat.
Basta wag lang siya matrapik at antukin sa pagdra-drive magagamay na rin niya ito sa pagdating ng panahon.
Ipinagmalaki pa ni Barbie na nakapag-park na siya sa basement ng GMA-7 to think na bagito pa lang ito.
Kaya nga sabi nito na ‘na-survive ko ‘yung pagpa-parking!’
Ngayon nga raw marunong na ito ng driving ang dream destination nito sa Tagaytay ang target nito na mag-drive at food trip lang daw.
Pahinga muna si Barbie after Mano Po the Legacy pero may All Out Sunday pa rin siya na ngayon ay marami siyang time to drive anywhere.
Sinusulit talaga ni Barbie ang natutuhan nitong pagmamaneho. Hmmmp!?
***
Kris Aquino nagpasaring sa ex
HINDI ininda ni Kris Aquino ang sakit na nadarama kung saan ay nagulat pa ang mga KakamPinks na tagasuporta ni VP Leni sa pagbulaga ni Kris sa rally sa Tarlac ng team LeniKiko.
Nagpunta ito para ipakita ang suporta at nanindigan para sa bayan at para raw sa future ng kabataan.
Kaya naman damang-dama ng mga tagasuporta ang pagiging Kulay Rosas ni Kris.
Kita rin na kailangan ni Kris ng totally recovery.
Likas pa rin ang pagiging madaldal ni Kris.
Hindi nito napigil na magpasaring at magparunggit sa kanyang ex.
Tukoy naman kung sino bang ex ‘yun na di marunong tumupad sa usapan.
Hindi na naman nakontrol ni Kris ang pagiging taklesa.
Get nyo na ba kung sinong ex nito na nasa Uniteam?
Well, well, well…’Yun na!