Advertisers

Advertisers

Vote-buying, magiging talamak ngayong papalapit na ang eleksyon

0 337

Advertisers

INAASAHANG mas magiging laganap ang bilihan ng boto o vote–buying ngayong nalalapit na Eleksyon 2022.

Ayon kay National Trustee at Director ng Command Center Operations ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Dr. Arwin Serrano, hindi na kayang dayain ng mga kandidato ang automated na sistema ng eleksyon kung kaya’t ginagamit nito ang tradisyunal na pandaraya na pagbili ng boto.

Aniya, lantaran na rin ang bilihan ng boto sa pamamagitan ng pagkain, pera, at personal na pangako ng mga kandidato sa botante. Kabilang din dito ang pangakong magbibigay ng trabaho, pagpapautang ng malaking pera, at iba pang personal na pabor kapalit ng boto.



Nagbabala naman ang Malacañang na mahaharap sa kaparusahan ang sinumang mahuhuli na bumibili o nagbebenta ng boto o vote-buying. Ayon kay acting Deputy Presidential Spokesperson Kristian Ablan, sinuman ang mapatunayang bumibili o tumatanggap ng pera mula sa vote-buying ay pwedeng makulong at magmulta. Sa ilalim ng batas, ang sinumang mapatutunayang sangkot sa anumang election offense ay maaaring makulong ng hindi bababa ng isang taon hanggang anim na taon.
Hindi na rin ito papayagan na bumoto at pagbabawalan na makapasok o makapagtrabaho sa anumang public office. Pagmumultahin din ang anumang political party na mapatutunayang sangkot vote buying.

Samantala, bubuo rin ang Commission on Elections (Comelec) ng team na binubuo ng ilang ahensya ng gobyerno para palakasin ang hakbang kontra vote buying. Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang Inter-Agency Task Force Kontra Bigay ay ilulunsad sa susunod na linggo.

Sinabi ni Garcia na ang task force ay tutugon sa motu propio at formal complaints na may kinalaman sa vote buying. Ang task force ay binubuo ng Comelec, Department of Justice, Department of Interior and Local Government, Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang Philippine Information Agency (PIA).

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">