Advertisers

Advertisers

OPISYAL NA PAHAYAG NI MONSOUR DEL ROSARIO sa paglisan ni Sen. Ping Lacson sa Partido Reporma

0 447

Advertisers

IGINAGALANG ko ang desisyon ni Senator Ping Lacson na magbitiw sa Partido Reporma. Siya ay isang mabuting tao na may tapat na puso at taos-pusong hangarin na maglingkod sa sambayanang Pilipino. Naniniwala ako na marami pa siyang magagawang mabuti para sa ating bansa, at ang aking kahilingan para sa kanya ay pawang kabutihan lamang. 

Tungkol naman sa aking kandidatura, diringgin ko ang salita ni dating Pangulong Manuel L. Quezon: “Ang aking katapatan sa alinmang paksyon ay nagtatapos kung saan nagsisimula ang aking katapatan sa bayan.”

At ngayon ay narito ako upang sagutin ang panawagan ng bansa para sa pagkakaisa at makiisa sa kilusan para sa tunay na pagkakaisa.



Ngayon, ibinibigay ko ang aking suporta sa ating kagalang-galang na Bise Presidente Leni Robredo sa kanyang hangarin na maging susunod na Pangulo ng Pilipinas. Naniniwala ako na ang kanyang misyon upang baguhin at iangat ang bansa ay naaayon sa sarili kong kagustuhan para magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng ordinaryong Pilipino, lalo na ang mga napabayaan ng mga nakaraang administrasyon.

Dalangin ko na ang aming pananaw na makita ang isang mas magandang Pilipinas at mas magandang kalagayan ng pamumuhay para sa bawat Pilipino – lalaki man, babae, o bata – ay maisakatuparan. Umaasa ako na anuman ang resulta ng halalan sa Mayo 9 ay magiging simula ito ng tunay na pag-unlad na patas at kaakibat ang lahat.

Si Mosour del Rosario ay isang Senatorial candidate para sa 2022 National Elections.

Mula 2010 hanggang 2016 ay naging Konsehal siya ng 1st district ng Makati at lumaon ay naging kongresman mula 2016 hanggang 2019.

Sa kanyang termino sa Kongreso nakapagpasok si Monsour ng 2929 bills and resolutions, at nag-akda ng Telecommuting Act of 2018, na mas kilala bilang Work From Home Law.



Para sa pagtakbo niya sa Senado, adbokasya ni Del Rosario ang implementasyon ng Healthcare Heroes Card para sa medical frontliners, pension para sa mga atleta, at iba pa.

Si Monsour ay isang Pinoy taekwondo champion, actor at public servant. Lumahok sa Philippine National Taekwondo Team noong 1982-1989 kung saan siya nakapagsilbi bilang team captain sa kanyang huling apat na taon.

Nag-numero uno sa bansa sa Lightweight Division at naging 8th time National Lightweight champion.

Kinatawan niya ang Pilipinas sa iba’t ibang international competitions, kabilang ang 1988 Seoul Olympics, Southeast Asian the World Taekwondo Taekwondo Championships at Asian Taekwondo Championships.

Nakamit din ni Del Rosario ang gold medal sa  14th and 15th Southeast Asian Games, bronze medal sa 10th Asian Games, at umabot sa quarterfinal round sa 1988 Seoul Olympic Games.

Sumali rin siya sa Philippine Taekwondo Association bilang Secretary General at naging Philippine Olympic National Sports Association Martial Arts Council member. (BKC)