Advertisers

Advertisers

NCAA: Arellano nasilat ang San Sebastian

0 399

Advertisers

NASILAT ng Arellano University Chiefs ang San Sebastian College-Recoletos Golden Stags upang simulan ang kanilang kampanya sa NCAA Season 97, sa manipis na 65-63, Linggo sa La Salle Greenhills.

Pinamunuan ni Arana ang pagsalakay ng Arellano sa iniskor na 16 points at 15 rebounds, Habang si Sta Ana bumakas ng 14 points, two blocks, two boards, at two assists para sa Chiefs na bumangon mula sa 14-points lubog sa third quarter, 50-36.

“Depensa talaga yung kailangan namin kasi lamang kami ng two points nung na-injure [si Arana], so kailangan talaga namin ay dumepensa at luckily nakakuha kami ng bola,” Wika ni coach Cholo Martin.



Troy Valencia nagdagdag ng nine points at five rebounds,habang si Sablan nag-ambag ng eight points at six rebounds sa pananakop.

Sa panig ng San Sebastian, Ichie Altamirano umiskor ng 16 points,three rebounds, at three assists, bago lumabas sa fourth quarter dahil sa injury.

JM Calma kinapos sa double-double na 13 points at nine rebounds,habang si Ken Villapando umayoda ng 10 points at eight rebounds sa kanilang talo.

Makakaharap ng San Sebastian ang University of Perpetual Help System Dalta sa Biyernes,

Habang ang Arellano makakatuos ang Colegio de San Juan de Letran Knights sa Miyerkules.