Advertisers

Advertisers

Rabiya palaban sa bashers; Bea nagbigay ng patikim sa pagpunta sa Madrid

0 337

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMI sa followers ni Bea Alonzo ang nagtaka at nag-isip kung ano nga ba ang ginawa ng kanilang idolo sa Madrid, Spain nang magpunta siya sa naturang bansa kamakailan at bumalik pagkatapos ng ilang araw lang na pamamalagi.
Umalis kasi si Bea nang walang sinabing dahilan at bukod tanging larawan niya sa departure area at sa eroplano ang kanyang pinost na nagsasabing halos nasabik daw siyang umalis at sumakay ng eroplano.
Sa ilang larawan naman niya na pinost na nasa Madrid na siya, marami ang nakapansin na tila nag-aala Heart Evangelista ang peg ni Bea dahil na rin sa mga photo niyang tila rumarampa sa runway sa Madrid.
“Here I am feeling every inch like a fashionista. Minsan lang po makalabas ng bansa, pagbigyan na,” pabirong sabi ni Bea sa kanyang social media account.
Hindi naman inihayag ni Bea kung ano talaga ang naging pakay niya sa pagpunta sa naturang bansa, bagkus ay nagbigay lang siya ng ‘patikim’.
“And just like that, we are back in Manila! I wasn’t able to post photos when I was in Madrid because we were so busy. I’ll let you know why, very soon,” dagdag na say ni Bea.
***
MUKHANG ‘pinatapang’ at naging palaban na si Rabiya Mateo pagdating sa mga below da belt na banat ng kanyang mga basher. Hindi tulad ng dati na dedma lang si Rabiya, ngayon bardagulan na ang kanyang peg, as in, pabigatan ng pang-aasar at ang unang maasar ay talo.
Tila gone all those days na pabebe siya sa internet. Naging palaban si Rabiya nang minsan ay nag-post siya ng photo na may caption, ‘Namiss ko din maglakad na parang mababale na yung balakang ko. Can we go back in time and start all over again?’
Na sa loob lang halos ng isang oras pagkatapos mai-post ay inulan ito ng mga bash.
“Wag na talo ka naman eh,” komento ng isang netizen.
“Hahaha talo nga pero ganito naman po yung face ko, panalo pa din. Kesa naman po ganyan mukha ko kagaya nyo, nako forever talo talaga ako nyan hahahaha,” sagot ni Rabiya.
“Naku Rabiya medyo di ko bet rampa mo,” say naman ng isa pang basher.
“Same. Di din kita bet po. Hahaha. Bakit ka ba andito?”, diretsahang pambabara ni
Rabiya.
“Talunan,” say pa rin ng isang netizen.
“Bayaran hahahaha,” resbak ni Rabiya.