Advertisers

Advertisers

Alexa dumanas ng depresyon dahil sa body shaming

0 399

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

ISANG basher ang ikinumpara si Alexa Ilacad sa isang LPG tank sa kanyang tweet.
Nilibak din nito ang Kapamilya actress sa kanyang komento na:”Gasul ka, ghorl!”
Hindi naman pinalampas ng kanyang ka-love team na si KD Estrada ang pag-aalipusta kay Alexa kaya to the rescue ito sa dating PBB co-housemate.
Bwelta ni KD sa basher: “kapal ng mukha neto ganda ka?”
Kinuyog din ng KDLex fans ang nasabing detractor.
Ito ang Ilan sa kanilang komento.
“Hayaan mo nalang Kd wag mo nang patulan sweethearts na bahala I rereport nalang namin mga troll account lang Naman Sila sweethearts na bahala Kd habang nakikinig kami sa kanta mo hahanapin nalang namin mga kapanalig nian para ma report na at d na magkalat don’t mind them Kd.”
“Super Ganda ni Alexa at super bait pa total package na sya…jusko kayo mga bashers
atupagin nyo Buhay nyo..”
“BODY SHAMING is making negative comments to HUMILIATE another person’s body weight, size or appearance. Children or teens who experience this, may develop SEVERE EMOTIONAL TRAUMA growing up. I cannot emphasize than enough. Grow up, people. Taaka, ang ganda kaya ni Alexa!”
Sa ngayon, burado na ang naturang tweet ng nabanggit na basher.
Matatandaang inamin noon ni Alexa sa Bahay ni Kuya na dumanas siya ng major depressive disorder dahil sa body dysmorphia.