Advertisers

Advertisers

Sahod itaas!

0 504

Advertisers

LUBOS akong naniniwala na gustung-gusto ng mga manggawa o empleyado na tumaas ang kanilang sahod, sapagkat sobrang taas ang presyo ng mga bilihin.

Nitong nakaraang linggo ay nagsipagtaasan na ang presyo ng mga bilihin dulot ng umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.

At ngayong linggo ay siguradong tataas ulit ang presyo ng mga bilihin bunga pa rin ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.



Sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, mga tsuper ng dyip ang maingay dahil sobrang tindi ng umento ang presyo ng krudo kada litro.

Ang masahol dito ay kada isang linggo — kada Martes — ang pagtaas nito.

Pokaragat na ‘yan!

Ngunit, maging presyo ng gasolina ay humahagibis din kada linggo.

Kaya , kawawa rin kaming mga mayroong sasakyan.



Tuwing Martes, sapul din ang badyet namin.

Pokaragat na ‘yan!

Kung sisipating maagi sa nakaliias na mga buwan, madalas ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kahit walang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito’y dahil sa kasakiman ng mga kapitalista sa pera.

Marami sa mga kapitalista ay mapagsamantala.

Buwisit!

Kawawa ang mga nagtatrabaho, ang mga manggagawa at empleyado.

Kung kapos na ang sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) na P537 kada araw, siyempre higit na kapos ang suweldo ng iba pang manggagawa sa lahat ng panig ng bansa na mas mababa sa P537 ang natatanggap bawat araw.

Matagal ko nang sinabi na maliit na ang totoong halaga ng kanilang natatanggap na minimum na sahod.

Ibig kong sabihin, hindi na totoong P537 ang totoong halaga ng P537 na ito dahil masyadong mataas na ang presyo ng mga bilihin.

Kaya, nararapat lamang na itaas ang sahod ng mga mangagawa at empleyado sa lahat ng panig ng bansa.

Gawin na itong higit P1,000 sa lahat ng rehiyon ng bansa mula Luzon hanggang Luzon.

Kailangang accross-the-board ang umento , sapagkat pare-pareho namang tumataas bawat isang linggo ang presyo ng mga bilihin mula Luzon hanggang Mindanao, hindi lang sa NCR.

Kaya, wastong itaas ang sahod ng mga manggagawa at empleyado!