Advertisers

Advertisers

Balik sa arena!

0 372

Advertisers

Matapos ang dalawang taon ay nakabalik na karamihan ng mga tagahanga sa panonood ng PBA. Siyempre may health protocols pa rin.

Nakapunta tayo sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay noong Linggo. Tayo mahigit pa yatang 3 taon bago muling nakatapak sa  world-class na palaruan ng mga Sy.

Napuna natin pagbaba pa lang ng sasakyan ay mga scalper pa rin na nag-aalok ng ducat sa mga dumarating na mga tao.



Tumuloy tayo ay Hazel Dacanay-Ancheta ng PBA natin pinik-up ang complimentary tickets sa Marina gate pero sa Coral side ang entry.

Nakakwentuhan natin sandali si Hazel na kilala na natin mula pa ng nasa Vintage Enterprises pa lang siya. Mahigit dalawang dekada na rin sa pro league.

Sa loob ay mahigpit pero magalang mga guwardiya na naka-duty sa entrance. Pinaiiwan ang back-pach at malalaking bag.

Kailangan ang face mask, vaccination card at bawal kumain sa loob ng venue. Kailangan suot mo parati ang mask kaya hindi pwede uminom o sumubo ng anumang pagkain. Mayroon naman mga lugar sa tabi ng mga tindahan na pwede pumuwesto at ngumuya.

May shwarma, may hotdog at may drinks na maaaring pagpilian. Yung Vietnamese sandwich ay sarado pa.



Yung panatak sa braso para labas-pasok sa mga upuan sa loob ay high-tech na. Hindi na mamarka sa balat. Laser light naman ang babasa nito sa iyong braso.

Yung PBA may mga sariling sponsor na nilalagay na mga roll up-streamer sa halftime at between games. Ilan dito ang Gatorade, Usana, Molten at Firefly.

Tuloy pa rin ang pamimigay ng t-shirts sa pamamagitan ng higanteng tirador. May laruang basketball goal na humahamon sa audience na ibuslo ang bolang plastic mula sa inyong silya.  Mabait sila sa buwena manong batang babae kaya pinalapit ito at naka-shoot. May premyong shirt mula sa isang tagapagtaguyod.

Yung team manager ng Meralco namimigay ng placards para pang-cheer sa Bolts habang ang Magnolia may mascot na manok na umaaliw sa mga fan. Pasayaw-sayaw at pakaway-kaway.

Gaya ng batid natin na sina Coach Yeng Guiao at Assistant na si Jojo Lastimosa ng Road Warriors ay maka-Leni kaya di tayo nagtaka nakapink na mask.

Si Assistant Coach Jason Webb ng Hotshots na kakampink din natural na nakapolo ng kulay rosas. Yung kasamahan niyang si Mon Jose pareho ng suot niyang pang-itaas. Face mask nila pati Johnny A color din ng mga matino at mahusay.

Sulit ang lakad natin. Muli naranasan natin ang live game.

***

Sa pagkatalo ng Lakers kahapon sa Pelicans ay pang-sampu na sila sa standings Sa WC. Worst season ni Lebron James in years.

Ang consolation na lang niya marahil ay ang scoring title ngayong taon.  Leading siya sa 30 ppg. Lamang lang siya ng kaunti kina Joel Embid at Giannis Antetokounmpo.

Sa New Orleans gumawa siya ng 39.  Opo 39 sa edad na 37.